prologue
"Hannah!!!"
Napalingon ako bigla. Napatigil sa ere ang kamay at braso ko sa aktong paghahagis ng ‘teks’.
Naku! Lagot na naman ako!
"Hannah!! Naglalaro ka na naman ng ‘teks’ na yan! L*ntik na! Ipapalamon ko sa iyo ang mga yan!" halos bumula na ang bibig ni Nanay sa galit habang papunta sa akin at may hawak na walis tambo.
"Nay!" saka ko itinago sa likuran ko yung mga ‘teks’ na hawak ko.
Nagkataon naman na napalingon ako sa gawing likuran ko para sana humanap ng mapagtataguan. Nakita kong padating sila Tatay saka ang apat na kuya ko. Nakapang-basketball uniform ang mga ito. Galing siguro sila sa pa-liga sa kabilang barangay. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
"Tay! Si Nanay hahatawin na naman ako..." sabay tago ko sa likuran nito.
"Ernesto, ilabas mo yang anak mo dyan!" sabi ni Nanay na nakatayo na sa harap ni Tatay.
"Ano na naman bang kasalanan ng anak mo, Heidi at hahatawin mo ng tambo? Magkakalatay yung magandang legs nito," ang sabi ni Tatay.
"Kaya nawiwili yang batang yan eh, lagi mong pinagtatanggol." nakapameywang na sagot ni Nanay.
"Tinatanong ko lang anong kasalanan, pinagtatanggol na agad?" sagot sa kanya ni Tatay.
"Pano po yang batang yan, holen at ‘teks’ na naman ang nilalaro. Tomboy ka ba talaga? Ha? Hannah?" galit pa ding tanong sa akin ni Nanay habang sinisilip ako sa likod ni Tatay.
Nilapitan ni Tatay si Nanay at saka inakbayan. Pasimple niyang kinuha ang tambo kay Nanay at saka iginiya na palakad palayo sa amin nila Kuya.
"Bata pa yan, mahal... magbabago pa yan..."
"Ayan, sige! Kunsintihin mo!"
"Hindi ko naman kinukunsti. Si Mahal naman…. Ang mabuti pa magbihis ka at ide-date kita. Kulang ka lang sa date, eh."
Bago sila makalayo ay lumingon sa akin si Tatay at saka kinindatan ako.
"Nakaligtas ka na naman sa palo ni Nanay, Botchok!" sabi ni Kuya Erold ang pinakamatanda sa amin.
"Kaya nagiging ganyan si Hannah eh. Botchok kasi ang tawag nio sa kanya,” si Kuya Elliot ang sinundan ko.
"Bagay naman kasi ang Botchok sa kanya. Cute. Kasing cute niya. Hahaha!" sabat naman ni Kuya Ethan, ang pangalawa sa pinakamatanda.
"Tara na nga, Botchok. Uwi na tayo. Malamig na ang ulo ni Nanay niyan. Idi-date na ni Tatay, eh!" sabay hila sa akin ni Kuya Enzo.
Iyan ang apat na kuya ko. Si Erold Harvey, Ethan Henry, Enzo Harold at Elliot Hugo. Pangalan kasi ng Tatay ko ay Ernesto at si Nanay ay Heidi. Kaya ang mga pangalan nila ay puro E.H. ang umpisa. At dahil sa babae ako ay H.E naman ang initials ng pangalan ko.
Pero maski ako sa sarili ko, tinanong ko na din yan. Babae nga ba ako?
Mas hilig ko ang paglalaro ng larong panglalake. Holen, teks, tirador, tumbang preso at skateboard. Wala kasing appeal sa kin ang mga Barbie dolls, Chinese garter at iba pa.
Lagi din kaming nag-aaway ni Nanay sa buhok ko. Ang gusto niya ay mahaba ito samantalang ang gusto ko naman ay maigsi lang ito para hindi na sinusuklay.
Alam kong nai-stress na sa akin si Nanay. Kahit anong gawin niya na ayusan ako ng pambabae eh bumabalik pa din ako sa ayos na panlalaki na t-shirt, shorts at rubber shoes.
KAHIT nang nag-High School na ako ay hindi nabago ang senaryo sa aming dalawa ni Nanay.
"Hannah!"
Andito ako sa terrace at naggigitara. Napatigil ako at saka lumingon sa loob ng bahay. Ano na naman kaya ang problema ni Nanay?
"Anong balak mong gawin sa mga bestida na ito ha, Hannah Erin? Bubulukin sa aparador?" bungad nito sa pintuan habang hawak ang mga bestidang hindi ko man lang naisuot kahit isang beses.
Napakamot ako sa ulo ko. "Sino ba kasing nagsabing bumili ka ng ganyan Nay?" nakasimangot kong tanong sa kanya.
"Aba! High School ka na Hannah. Kailan ka pa matututong magsuot ng mga bestida? Ano? Puro pantalon at t-shirt na maluluwag na lang ang lagi mong isusuot?"
"Nay naman...dito ako komportable eh..” katwiran ko.
"Matanong nga uli kita Hannah - tibo ka ba?" nandidilat ang mga matang tanong sa kin ni Nanay.
"Si Nanay ang kulit..." saka ko uli itinuloy ang paggigitara.
"Ako pa ang makulit? Ni hindi mo nga sinagot kahit kailan ang tanong ko!"
High school na ako pero wala pa ring pagbabago sa amin ni Nanay. Iyon pa rin ang tanong niya sa akin hanggang ngayon at iyon pa rin naman ang sagot ko sa kanya.
"Magandang umaga po, Aling Heidi..."
Napalingon kami ni Nanay sa gate. Andun nakatayo ang mga barkada kong sila Amy, Becca at Mitch. Magkakasundo kami kasi pare-pareho kami ng style sa pananamit at mga trip sa biuhay.
Mabilis akong tumayo at saka isinukbit ang gitara ko. "Punta muna ako sa school, Nay. May tatapusin lang kaming project."
"Ayan! Dyan ka magaling... ang takasan ako lagi..." sabi sa akin ni Nanay.
Mabilis kong hinalikan si Nanay sa pisngi 😥😥