Chapter 1

1350 Words
“Maghanda ka anak at may bisita tayo maya-maya,” aniya. Kumunot naman ang noo ko. “Sino po, Pa?” usisa ko. “Si, Gov at inimbita ko rin si, Mr. Rasgild at Mr. Giuffrida,” aniya. Nag-abot naman ang kilay ko. Para saan? “S-sige po,” sagot ko at dumeritso na sa kuwarto ko. Pagkapasok ko ay humiga lamang ako pupunta rito ang lalaking ‘yon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon. Ilang saglit pa ay may kumatok na. “Ma’am? Sabi po ng papa niyo ay maghanda na raw kayo,” ani ng katulong namin. “Opo,” sagot ko. Napabuga ako ng hangin at kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Tumayo na ako at namili ng susuotin. Kinuha ko ang green colored dress na sleeveless na hanggang ibaba ng tuhod ko. Pinusod ko lang ang buhok ko at okay na. Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa living room namin. Kaagad na nasilayan ko ang pagmumukha ni Leon. “Louisse!” tawag sa akin ni Papa. Lumapit naman ako sa kanila at ngumiti nang tipid. “Napakaganda naman pala nitong anak mo, Mayor,” wika ni Gov. Nahiya naman ako. “Magandang gabi po,” bati ko sa kaniya at hinarap si Leon at ang boss niya. “Good evening,” saad ko at kaagad na inalis ang tingin sa kaniya. Pansin ko ang pagtingin niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa at nag-excuse saglit. “Balik ka kaagad at magdi-dinner tayo,” sambit ni papa. Hindi ko kayang makipagsabayan dahil sa hindi talaga ako makasabay sa usapan nila. Naglakad na ako papunta sa CR namin dahil parang tinatawag ako ng kalikasan sa kaba. “You look beautiful,” ani ng malamig na boses sa likod ko. Nanlalaki ang matang napalingon ako at nakita si Leon na nakapamulsa. Ni hindi ko napansing nakasunod siya sa akin. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” kinakabahan kong tanong. Nilapitan niya lang ako at napakurap-kurap. Sobrang lapit niya sa akin. Napapikit ako nang masamyo ko ang mabango niyang amoy. Hindi ko maipagkakailang sobrang guwapo niya sa malapitan. “Smells fruity,” aniya pa. Kaagad na humakbang ako paatras. Lalo lamang siyang lumapit sa akin. Hindi ko napansin ang yapak niya. Atras lang ako nang atras hanggang sa wala na akong maatrasan. “A-ano ba?” saway ko sa kaniya. Ngumisi lamang siya. Mapungay ang mga mata niya at nakatitig pa iyon sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kabang nararamdaman. Inilapit niya ang bibig niya sa taenga ko kaya napahawak ako nang mahigpit sa laylayan ng damit ko. “Sus maryosep!” ani ng katulong namin at mabilis na umalis. Napatingin naman doon si Leon at tiningnan ako ulit. He’s smiling mischievously. Umayos siya sa pagkatayo at namulsa. “Your maid will probably think we’re together. You should be thankful that she came, kuz if she did not? Your mouth will probably be mine now,” aniya at kinindatan pa ako bago siya umalis. Hindi naman ako makapaniwala sa nangyari. Nakatayo lamang ako at napahawak sa dibdib ko. “Louisse,” tawag ni Manang na hindi ko napansing bumalik na pala. “Okay ka lang ba?” nakangiti niyang tanong sa akin. Nagtaka naman ako sa reaksiyon niya. “P-po?” tanong ko. Ngumisi siya at tila kilig na kilig pa. “Iyon na ba ang jowa mo? Grabe ang pogi,” aniya at may papikit-pikit pa na tila naaasiman. Huminga naman ako nang maluwag. “Grabe talaga, akala ko talaga magki-kiss na kayo eh. Pasensiya ka na at naudlot pa dahil sa akin,” saad niya. Napailing naman ako sa kaniya. “Iyong nakita mo Manang, sa atin lang iyon ha. T’saka hindi ko po siya boyfriend. Malabo rin pong magiging kami,” saad ko. Ang tingin naman niya ay tila hindi naniniwala sa akin. “Sige na Manang,” wika ko at pumasok na sa banyo. Kaagad na isinara ko ang pinto at napasandal doon. Napapikit ako at hindi maalis sa akin ang gwapong mukha ni Leon. Ipinilig ko ang aking ulo at napabuga ng hangin. “Hindi,” saad ko sa aking sarili. Bumalik naman sa isipan ko ang nakita nu’ng nakaraang mga araw. Inis na naikuyom ko ang aking kamao. “Gusto mo bang maging ganoon din ang paglalagyan mo ha? Louisse, huwag kang magpapadala sa ngiti niya,” kastigo ko sa aking sarili. Inayos ko na ang aking sarili matapos makaihi at bumalik sa living room namin. Nag-aya naman na si Papa na kumain. Tahimik lamng kami at nakikinig lang ako sa mga usapan nila. “May boyfriend na ba ‘tong anak mo, Mayor? Kaedad lang yata siya ng aking binata,” saad ni Governor. Natigilan naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Leon at nakatitig lang din pala sa akin. Mabilis na ininom ko ang juice at iniwas ang tingin sa kaniya. “Wala pang ipinapakilala ang anak ko. I’ll support her kung sino man ang magustuhan niya,” sagot ni papa. “We can arrange a date for them,” suhestiyon ni Gov. kaagad na natigilan ako at napahigpit ang hawak sa aking tinidor. Pinakaayaw ko na pinangungunahan ako. “Governor, sabi nga ni, Mayor he will support Louisse whoever she likes. But that doesn’t mean you can do things beyond her will,” sabat ni Leon. Napakurap-kurap naman ako. Hindi ko kayang sumabat sa usapan nila. Ang mga reklamo ko ay isinasaloob ko na lang dahil ayaw kong ma-disappoint si papa. “Right,” sang-ayon naman ni Gov. Napatingin ako kay Leon na nakangiti lang sa akin tila pinapalabas pa niyang dapat pasalamatan ko siya sa ginawa niya. Sa tabi naman niya ay si Mr. Rasgild na tila tuwang-tuwa sa nangyayari. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila? Alam kong maging si Ma’am Sarissa ay hindi sinanto ng dalawa. Sa tingin ko nga ay tinamaan itong boss niya sa guro namin. Matapos ang dinner namin ay nag-excuse na ako. Babalik na ako sa kuwarto ko dahil hindi ko na nakayanan ang tension. Isa pa hindi naman na ako kailangan sa usapan nila. Pumasok na ako sa loob at napahiga. Ipinikit ko ang aking mata nang marinig ang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Napamulat ako ng aking mata at nnalaki ang aking mata. Akmang sisigaw ako nang mabilis na tinakpan niya ang bibig ko. “Shout now and I’ll suck your lip and tongue,” banta niya sa akin. Nanginginig na tiningnan ko naman siya. “Relax,” saad niya. Huminga ako nang malalim at tumango. Nang bitiwan niya ako ay mabilis na lumayo ako sa kaniya. Ngumiti lamang siya. Nakakainis ang ngiti niya. “Why do you look so scared Louisse?” tanong niya. “Paano ka nakapunta rito?” Umupo siya sa kama ko at tinitigan ako. “Am I a bad person for imagining you lying down here naked while your creamy legs are open waiting for my entrance?” Kaagad na nanayo ang balahibo ko sa sinabi niya. “Bastos!” matigas kong wika sa kaniya. Gusto ko siyang sabunutan. “Don’t worry baby, we’ll get there. You’re the one who’ll beg me for it, alright? And I’ll sate you in return” aniya. “Ang kapal ng mukha mo!” singhal ko sa kaniya. Itinaas naman niya ang hintuturo niya at inilagay sa bibig niya. “Ssh!” you don’t want anyone to know you are with someone here in your room, right?” nakangisi niyang sambit. Labis ang kabang naramdaman ko nang lapitan niya ako. Hinawakan niya ang mukha ko at nginitian. “Huwag kang papayag na makipag-date sa anak ni, Gov. Kung gusto mo pang makitang buhay ang anak niya, don’t even dare,” banta niya sa akin at nginitian ako nang matamis. “Alis na ako at baka isipin ng boss ko I’m taking advantage of you here,” saad niya at lumabas na. Sumunod naman ako at napatingin sa paligid kung may nakakita ba sa kaniya. Napahinga ako nang maluwag nang wala naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD