“Take care, Doc!” Napaangat ang paningin ko sa grupo ng mga doktor na lumabas at nagpaalam sa isa’t isa, kaniya-kaniya na sila ng labas sa hospital, bago ako tuluyang napasimangot nang hindi matagpuan ng mga mata si Cielo. Kanina pa ako rito sa lobby at naghihintay. Hindi ko alam na may panghipnotismo pala si Cielo. Kailangan pa ako naging uto-uto at hinihintay ko siya ngayon? Bumaba ang tingin ko sa cellphone para tingnan ang oras. Alas-tres. Inaantok na ako at gusto ko nang magpahinga. Mabuti na lang at nakapagsabi na ako kay Ace at pumayag naman siyang kunin ulit ang shift ko sa store. Sabi ko ay babawi na lang ako sa susunod na araw. Nangalumbaba ako at pinaglaruan ang cellphone sa kamay. Baka makatulog na ako rito sa antok at pagod pero wala pa rin ang lokong iyon. Hindi ko tu