Kung normal na pagkakataon lang iyon, siguro ay ililibot ko pa ang paningin sa buong unit niya at prenteng mauupo sa couch. Siguro ay makakaya ko pa siyang asarin dahil basang-basa kami. If this happened few days before Dulce’s birthday celebration, hindi sana ako ganito ngayon, nakaupo sa stool chair at parang hindi makabasag-pinggan. Kaso nangyari na ang nangyari. Kung kaya lang iyong mabura sa isipan ay nagawa ko na. Kung madali nga lang ding kalimutan, malamang ay hindi na ako apektado ngayon. Napayakap ako sa sarili dahil giniginaw pa rin ako kahit na napunasan ko na ang mga braso ko at bahagyang napatuyo ang buhok. I am still wearing my clothes, basa pa rin iyon dahilan para hindi humupa ang lamig na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nawawalan na rin ng kulay ang labi ko sa gin