Binalot ako ng kuryosidad sa nabasa ko at kahit gusto kong ipagsawalang-bahala na lang ‘yon ay hindi ko magawa. I am so tempted to scroll though Cielo’s phone kahit alam kong hindi dapat dahil hindi ko naman iyon pagmamay-ari. At ayaw rin ni Cielo ng nangingialam sa mga gamit niya. Napalunok ako at binitawan ang cellphone ni Cielo pabalik sa mesa. Ganoon ba siya ka-busy na hanggang dito ay nag-aaral siya? Tumayo ako mula sa couch at kinuha ang cellphone ko. Naupo ako sa gilid ng kama habang nag-i-scroll. Sinubukan kong i-check ang sinearch ni Cielo. Pamilyar sa akin ang iba’t ibang procedures para sa heart surgeries at isa na nga roon ang Coronary Artery Bypass. Natigilan ako nang may maalala. Pamilyar sa akin ang surgery dahil nagkaroon ng ganoong surgery si Dad almost twelve years