“Hey.” Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Ethan, nakasuot ng lab coat at mukhang nag-iikot. Tanging siya lang at wala ang mga kaibigan. Napabalik ako sa sarili mula sa malalim na pag-iisip at tiningnan siya. Agad na dumako ang mga mata niya sa kamay ko na bahagya kong tinago bago napaiwas ng tingin. “Okay na ang kamay mo?” tanong niya. Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung bakit pa ba ako kinakausap ng lalaking ito. Kaibigan siya ni Cielo. Maybe he knew about the engagement. Baka nga pati si Trixie ay kaibigan niya. “Tatawanan mo rin ako?” Hindi ko maiwasang maging sarkastiko ang boses. Natigilan siya at bahagyang napangiwi, hindi malaman ang isasagot. “Go on. Your friend and his lovely fiancée are probably laughing at me since last night,” sarkastikong da