“Bye, girls! Hihiramin ko muna si Mauve. See you later!” “Nathalia, ano bang meron?” tanong ko sa aligagang si Nathalia na abalang kumakaway at nagpapaalam kina Ace na ikinatango-tango naman ng mga ito. Nang maglakad kami palayo ay kumapit siya sa braso ko. “I will be needing your help again.” Matamis siyang ngumiti at wala pa man ay napailing-iling na ako. “Anong kalokohan na naman ‘to, Nathalia?” hindi mapigilang tanong ko. Noong nakaraang humingi siya ng pabor sa akin ay nadamay ako sa kuya niya. If this is about Cielo again, I swear... ang suspicious na ni Nathalia. Hindi ko alam kung anong pakulo ang tumatakbo sa isipan ng babaeng ito. “May kailangan akong kunin kay Kuya Cielo,” sagot niya na tila pinipigilan lang ang sariling ngumiti. “And I need you to come with me. Besides,