Chapter-1
You can only trust yourself.
Shylin's POV
"Magpakatotoo ka sa sarili mo! "
"Paano? "
*Inilipat ng channel
"Ano man yang pinapanood mo? Puro nalang drama."Irita nyang sabi. Di ko nalang sya pinakinggan at tumayo, dumeretso ako sa kwarto at inilock ang pinto.
Sumandig lang ako sa likod ng pinto habang nag iisip.
Ampon ba ko? Isa lang yan sa palagi kong iniisip kapag ganon ang trato nila sakin.
Bakit palagi nalang ganun ang turing nila sakin? Yan ang tanong na di ko masagot sagot.
Lumapit ako sa kama at nahiga.
Gabi gabi nalang ba akong iiyak?
Mag iisip ng mga bagay na makakasakit sakin?
Iniwan na ako ni Kuya wala na akong kakampi sa bahay, wala na rin ang bestfriend ko iniwan nya narin ako.
Lahat ng mga taong malalapit sakin iniwan na ko.
At lahat ng mga taong nandito para sakin ay puro pagpapanggap lang ang ipinapakita sakin.
Tumulo uli ang luha ko at humikbi uli ako.
Simula pagkabata ko ay di ako nakaranas ng pagmamahal na to too, ang mga ekspresyon na ipinapakita ko ay di totoo puro pagpapanggap lang dahil alam kong ganun din ang ginawa nila sakin.
Bakit pa ako magiging to too sa sarili ko kung puro pagpapanggap lang naman ang mga taong nakapaligid sakin.
Ni minsan di ako nagkaroon ng kaibigan, meron ngang isa iniwan naman ako at ni minsan wala akong pinapakitaan ng tunay na ako.
*Kriiiiiiinggggggg
Tumayo agad ako at kinuha ang uniporme na inihanda ko na kagabi palang dahil alam Kong kapag nagtanong ako Kay mama ay dadaan nya nanaman ako, kinuha ko din ang iba pang gamit panligo at dumeretso sa banyo.
Pagkatapos maligo ay tinulungan ko si mama na maghanda ng pagkain kahit di nya napapasin na tumutulong ako at iniisip nya palagi na wala akong naitutulong.
Nauna na rin akong kumain dahil ayaw kong makasabay ang mga kapatid kong palaging pinapaboran.
"Bakit nauna ka na agad? Wala pa nga ang mga kapatid mo! Masiba katalagang bata ka! ."Sabay batok ng sandok sa ulo.
*Plak
"Array!, Ma naman tapos na ko! , baon ko?. "
"Puro ka baon! Kaya yang mga grades mo baon na baon sa sobrang baba!."
"Dibale na nga! Magpapalibre nalang ako sa mga kaibigan ko. "Tumayo agad ako sa upuan at kinuha ang bag ko.
"Aba!."
"Ka aga aga naman ng ingay!. "Lumapit naman sya sa pwesto ko at itinulak ako at sya ang naupo sa inuupuan ko kanina.
"Ikaw naman Lyli mag eskwela ka ng maayos para di tayo palipat lipat ng bahay para makaanap lang ng bagong eskwelan. "Di naman nakikinig sakanya tong isang to, nagsasandok lang ng pagkain nya."Lyli... "May halong pangungumbinsi na sabi ni mama.
Ngayon lang naman kami lumipat ng bahay.
"Oo ma hayaan mo magbabago na talaga ako. "Tumayo pa sya at niyakap si mama.
Sipsip.
"Alam ko namang matalino ka anak kaso mana ka lang talaga sa papa mo. "Naupo uli sya at kumain.
Paburan.
"Teka nga may kukunin ako yung baon nyo. "
Tinalikuran ko nalang sila at umastang aalis na sa pamamahay na to.
"Uy kumain ka na ba?. "Nilingon ko naman si ate.
"Mauuna na ko. "Tatalikuran ko na sana sya ng bigla nyang hinablot ang bag ko.
"Teka! may baon ka na ?. "
"Wala pa. "
"Akin nalang yung baon mo ah!. "Inirapan ko nalang sya at tuluyan ng umalis sa bahay.
Malapit lang naman ang school kaya lalakarin ko nalang at isa wala akong balak na sumakay ng tricycle dahil ang sasama ng tingin sakin ng mga taong nakakasabay ko, sa bawat tingin nila sakin ay may sinasabi sila..
Kinuha ko ang headset ko sa bag na nakakabit na sa cellphone ko at nag music habang naglalakad.
Ang school na pupuntahan ko ngayon ay ang pang sampu na eskwelahan na papasukan ko at ng mga kapatid ko.
Mga ilang linggo narin ng nakalipas ng lumipat kami, at ang dahilan non ay ang kapatid ko kanina, nakilala nyo na sya. Dahil may ugali sya na di mo gugustuhing matuklasan.
Palagi syang nakikipag away kahit sya ang nauunang mampikon , kaya palipat lipat kami ng school at ngayon lang kami lumipat ng bahay dito sa Bicol dahil may kamag anak din dito si papa at si mama pero si mama lang ang nagpalipat sa kumpanya na pinag tratrabahuhan nya dito sa bicol dahil may branch naman ang
kumapanya dito at si papa nalang ang naiwan sa manila don sya nagtratrabaho umuuwi nalang sya kapag may mga okasyon o kapag week end.
Dati kaming taga manila pero lumipat kami dito.
At dahil nga palagi kaming lumilipat ng school di ko naranasan magkaroon ng kaibigan maliban nalang sa isa kaso nga diba umalis ng walang paalam.
Ang pangalan ng school namin ay PG or Prañia Gerald Highschool, isang pravate school sa Bicol.
Ng makarating ako sa school ay may ibang studyante na tumitingin sakin at pakiramdam ko ay parang pinag uusapan nila ako at sinasabihan ng masama. Di ko namalayan ay nalagpasan ko na ang room ko kaya agad akong pumasok at naupo.
Kaunti palang ang nandito at di ko naman sila close kaya ipinagpatuloy ko lang ang pag m-music ko, palagi naman akong mag isa at di rin ako marunong makipagsalamuha sa iba.
Bigla naman natungo ang atensyon ko sa umagaw sa isang headset.
"Ang luma naman ng kanta na yan. "Ibinalik nya naman sakin kaya ipinasok ko na sa bag ko.
Plastik one.
"Ang mga lumang kanta ang nag simula ng bagong kanta, kung walang luma, di madidiskubre ang bago. "Nakangiting sabi ko.
"Okay okay pero sana baguhin mo naman ikaw nalang ata ang nakikinig dyan. "Tumango nalang ako.
"Good morning. "Bati samin.
Plastik two.
"Antagal naman ni Geny. "
"Papunta na raw sya dito chinat nya ko. "Sabi ko sakanilang dalawa..
"Okay. "
Mga ilang oras pa ang nakalipas ay dumating na ang adviser namin.
Grade 11 na ko senior student .
"Sorry sir I'm late. "
"It's okay you can take you're seat. "
Naupo naman agad si Geny sa tabi ko.
"Nakatulog uli ako pagkatapos kitang ichat. "Natawa nalang ako.
At last plastick three
At ng kinaibigan nila ako natuto akong makipagsalamuha sakanila, kahit na mga bakckstaber sila..
"Wag ng maingay...Yung nasa likod."Tumahimik naman kami
Pagkatapos ng klase ay nagpabilog kami ng upuan.
"Nakakabwisit naman yang si sir kj. "
"Psh..Di ka lang nakadaldal. "Nilingon ko naman si Jenet.
"Sino nga uli yung nagkaka crush kay Louis?. "Mapang asar na sabi ni Dena.
"Louis? Sinong Louis?. "Takang tanong ko.
"Sure kang di mo kilala?. "Tanong naman ni Dena sakin.
"Ahhh si Louis Esteban? ."Nilingon ko naman si Geny at nilingon nya rin ako." Teka stalk ko para makita mo.....Lou.... is.... Es....teban... Search! Ito oh. "Abot nya sakin ng phone.
Di ko sya kilala at blurred ang profile nya.
"Sino namang di magkaka crush kay Louis eh sikat na sikat. "Napansin ko kasi ang like sa dp nya pero di ko talaga sya kilala.
"Kilala mo naman pala. "Mapang asar na sabi ni Dena ngumisi naman ako.
"Nakalimutan ko lang. "
"Go back to your seats. "Agad naman kaming nag ayos ng upo.
"Ms.Cereño? Please stand up? Define Algebra. "
"I don't know sir. "
"Define x madali lang yan sana alam mo na. "
"I also don't know sir. "
"Jenet please define algebra and x. "Tumayo naman si Jenet.
"Algebra is a branch of mathemathics that substitute letters for numbers and also algebra is finding the unknown or putting real-life variables into equation and then sovling them. Algebra include real complex, numbers , matrices and vectors . The letter "x" is often used in algebra to mean a , value that is not yet known. It is called a "variable" or sometimes an "unknown". "
(sss. ThoughtCo.com)
(sss. mathisfun.com)
"Good you can seat now. "
"From now on , bago magsimula ang klase ay araw araw tayong mag kakaroon ng graded recitation about definitions kagaya ng kanina at ikaw ang mauuna palagi Ms. Cereño okay open you're books in page sixty-one. "Uupo na sana ako.
"Sinong nag sabing umupo ka just stand up! and think what is the meaning of the words that I said earlier! ."Nilingon ko naman ang kaibigan kong plastic.
Naluluha na ko.
"Wag nyo syang pansinin! Read you're books!."
Makalipas ang isang minuto nakatayo parin ako.
"Okay that's for today—"Lumabas agad ako pagkatapos non at tumakbo papunta sa likod ng building.
Bumuhos agad ang luha ko at naupo sa damuhan.
Sa lahat ng ayaw ko sa sarili ko ay madali akong umiyak sa mga bagay at di ko naman kasalanang di ako magaling math at sa iba pang subject.
Maraming studyanteng pumangarap na gumaling sa mga subject para lang sa pag aaral at tumaas ang rank.
Pero paano naman akong di magaling sa pag aaral para sakin di naman yan magagamit sa trabaho highschool palang kami pero bakit ang advance nila at itinuturo ang mamulat na agad sa katotoohanan kahit ang katotoohanan ay kaylangan ko lang mag aral para makakuha ng diploma magkapagtapos at makakuha ng trabaho, nasa school ako para hindi matuto kundi para makakuha ng magandang buhay.....para saan pa ang matuto ako.
"Okay ka lang?."Nilingon ko naman kung sino yon. "Here. "Aabutin ko sana ang panyo kaso narealize ko na ang lapit nya sakin kaya agad ko syang tinulak at napaupo sya sa damuhan.
"Magiging okay ako kung sasabihin mong wala kang nakita. "Tumayo naman ako agad at pinunasan ang luha ko.
"What do you mean by 'wala kang nakita?'. "Tumayo rin sya at nagpalpag ng damit.
"Di ako umiiyak , kalimutan mo ang nakita mo."
"Why?. "
"Kalimutan mo nalang ."Inis na usal ko at tinalikuran sya.
"Wait!. "Tumakbo agad ako at dumeretso sa cr.
Medyo namumula ang mga mata ko kaya pumasok ako sa isang cubicle at nagpalipas don ng oras para di halatang umiyak ako wala naman tao ngayon sa cr dahil di pa naman break time.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nag online ichachat ko si Jenet kung may teacher na ba kami, itinigil ko muna ang pag tap sa app at pinakinggan kung sino ang pumasok.
"Buti nalang talaga at wala si Madam ngayon. "Geny?
"Oo nga. Teka nga yung nangyari kanina kay Shylin, grabe talaga si sir no?. "Grabe? Talaga lang Dena? Naawa ka sakin.
"Bagay lang yon sakanya, hilig nya kayang kumopya sakin satin di sya natututong mag aral mag isa puro lang sya asa ng asa sa iba....at isa pa tama lang yon sakanya masyado kasi syang pakitang tao. "Huh! Wow sino satin?
"At hilig nya pang magpalibre ng pagkain. "Sabi ko na nga ba di ka mawawalan Dena.
"Oo nga, nauubos baon ko dahil sakanya! "At gaya gaya ka naman Geny.
Di na ako naapektuhan sa sinabi nila nasanay na agad ako.
Flashback
Nasa cr din ako non at nasa loob din ng cubicle.
"Yung new girl kaibiganin kaya , shoes gadgets and bag nya parang mukha syang mayaman. "Tinandaan ko agad ang mga boses nila dahil di ko pa naman sila kilala.
Marami akong magagandang gamit dahil ibinili lang sakin yun wala naman akong pake sa brand basta may magamit lang.
"Oo, magpapalibre ako sakanya palagi. "
Narinig kong pang mag nag apir sakanilang tatlo.
"Jenet?. "
"Yeah sure kaibiganin natin sya. "
Ng nasa classroom na ako at may tatlong babae na lumapit sakin.
Sila na ata yon , yan ang nasa isip ko.
"I'm Jenet and you are?. "Ang nasa isip ko ay wag silang kaibiganin pero kung backstaban ang gusto nila yun din ang ibibigay ko.
Inabot ko ang kamay ko.
"Shylin. "
"Can we be friends?. "Tumango naman ako.
"Yeah. "Ipinakilala nya rin sakin si Dena at Geny.
Friendly si Geny pero di parin mawawala sa isip ko na ginagamit nya lang ako, Center of atenttion at ayaw nalalamangan si Dena, Gustong palaging nasusunod at feeling leader si Jenet.
Ng nagsimula ang pekeng pagkakaibigan namin ay ginawa ko ang mga gustong gawin nila sakin.
Ako ang nagpapalibre sakanila, ako ang nangongopya , nanghihiram ng mga gamit.
End of flashback
At nabalitaan ko ay mga bully din sila at buti nalang at di ako nagpapauto kagaya ng ibang kinakaibigan nila.
"Tara na baka nandon na yung babaeng yon. "Dinig ko pang sabi ni Jenet at saka lumabas na ng cr.
Lumabas na rin ako ako ng cr at nag hilamos bago tuluyang lumabas.
Dumeretso narin ako sa room at pinag titingingan ako ng mga kaklase ko.
Umupo agad ako sa upuan ko.
"Okay ka lang?. "Talaga lang Geny pinag usapan nyo ko ng masama tas kunwaring may pake pa kayo sakin.
Ngumiti naman ako.
"Okay lang ako. "
"Bat namumula ilong at mata mo umiyak ka ba? Para yun lang eh. "Napangisi nlang akong sa isip ko.
Para yun lang?.
"Hindi ako umiyak dahil don namatay kasi yung pusa ko, hilig non kumuha ng di sakanya, at sentro ng atensyon, at ayaw nalalamangan sa mga iba pa naming pusa, napamahal din ako sa pusang yon kahit paano pero satingin di talaga nagtatagal ang buhay ng mga sentro ng atensyon at ayaw nalalamangan na mga 'hayop'."Pagdidiin ko pa habang nakangiti.
"S-siguro nga. "Panggigil na usal nya pa.
"Condolence sa pusa mo pero mag move on ka na pusa lang yan. "Tumango nalang ako.
"Wala pala si madam ngayon dahil may homeroom meeting sya sa student nya ngayon pero may iniwan syang lesson, picturan mo nalang. "Si Jenet ang President ng room namin kaya sya ang pinag iiwanan ng mga lessons. Tumango naman ako sa sinabi ni Jenet at ginawa rin ang sinabi nya at agad na bumalik sa upuan.
*kreeeenggggggggg
"Hay salamat breaktime nadin sa wakas. "Sabi ni Dena habang nag uunat pa.
"Nagugutom na ko. "Geny.
"Tara na ."Di naman ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Wala kasi akong pera ngayon, nakasagutan
ko si mama kaya di ako nakakuha ng baon. "
"Ganun ba?. "Nagtinginan pa sila..
Nag uusap sila ng backstaban sa pamamagitan ng mata.
"Mauna na kayo...okay lang ako dito. "
"Hindi sumama ka na samin iilibre ka nalang namin. "Ngumiti naman ako.
"Talaga? Thank you kapag talaga malaki ang nakuha kong allowance ako naman ang malilibre sainyo."
"Palagi mo naman yang sinasabi."Dinig ko pag bulong mi Dena.
"May sinasabi ka Dena?. "
"Huh? May sinasabi ba ko? Wala!. "
Dumeretso agad kami sa canteen.
Actually marami na akong ipon dahil sakanila, I just wanted them to taste there own medicine.
They planned it but di nila alam that I'm the unexpected thing that will ruin what they planned.
"Ako nalang oorder usal ni Geny. "Tumayo na agad sya sa upuan nya.
"Ako nalang. "Pagpriprisinta ko.
"Hindi ako nalang talaga. "Mabilis pa sa alas kwatro ay nakapunta na agad sya sa counter.
Alam nya kasi na marami ang oorderin ko para sa sarili ko lang .
"Papasok na yung crush mo. "Bulong ni Dena kay Jenet.
"Alam ko nakasunod nga sila satin kanina. "Nilingon ko naman kung sino yun pero naupo na sila kaya di ko na nakita .
.
"Naka order na ko."Usal ni Geny kaya naupo na sya sa gilid ko.
"Ito nga pala ang malinaw na picture ni Louis, tseden! Yieee kinikilig si Jenet. "Pang aasar ni Geny.
Kinuha ko naman ang phone nya.
Sya yung lalaki kanina.
"Bakit? Nagwapuhan ka din sakanya?. "May halong pang aasar sakin ni Geny.
"Gusto mo rin sya?. "Takang tanong ni Jenet.
"Hindi , akala ko sya yung kakilala ko, kamukha lang pala. "Tumango tango naman sila.
"Here's you're order and the reciept."
"Thanks, here's the table number."Binayaran naman nila ang para sakin.
"So napag uusapan naman ang tungkol sa crush ni Jenet , sino ang mga gusto nyong lalaki sa campus?....anyone?. "Takang tanong ni Geny.
"Akin si Loren. "Loren?
"Ahhh ikaw ahhh talagang barkada ni Louis?.....ikaw Shylin?."Tinignan naman nila akong lahat.
"Ikaw muna?. "
"Ako si...si.... Domson. "
"Pfft si Domson talaga? Tapos sabi sabi ka pa na barkada ni Louis tinatarget ko eh ikaw din naman, ."Nilingon ko naman si Dena.
"Bakit gwapo naman sya ahh. "
"Okay okay , love is blind nga talaga...Ikaw Shylin? Sino ang crush mo or gusto mo sa campus?."Tanong ni Jenet sakin at uminom ng drinks nya.
"Wala namang gwapo sa school para sakin kaya wala akong crush o gusto dito.... "
"Kahit isa? Okay kahit hindi dito sa campus sa ibang school , sa school mo dati."Pag matatalino talaga ang hirap kumbinsihin.
Mag isip ka ng pangalan—
"Si Louis papalapit!. "Ipit na boses na sabi ni Dena kay Jenet kinikilig naman toh.
Salamat at mamalandi sila at di na ako magigisa.
Lumingon naman ako sa counter dahil nandon banda ang Louis.
Lumingon din sya sa gawi namin kaya agad akong bumalik sa kinakain ko.
"Tumingin sya sayo! ."Tili pa ni Dena.
"Ano ka ba ang daming nandito sa sa canteen di lang ko ang titignan nya ."Indenial ka pa.
"Oo nga tama ka, pero baka ikaw yieeeh. "Pang aasara nya pa kay Jenet pero di kalandiaan nila ang iniisip ko ngayon.
Ang iniisip ko ngayon ay sana kinalimutan nya na ang nakita nya kanina.
Ayaw na ayaw ko sa lahat ay may nakakakilala sakin lalo na ang mga taong di ko mapagkakatiwalaan.
Dahil sa mundo ko wala ng maagkakatiwalaan at sarili ko nalang, di ko alam kung may sama ng loob sakin ang mundo pero iniisip ko nalang parati na matatapos rin to .
To be continued.....