"Apo ko, aba'y dumating ka ng walang pasabi ah. Inaway mo na naman siguro ang boyfriend mo?" Salubong na tanong ni Grandma AG sa bagong dating na apo. "Whatever! Basta--- Ay, sorry po, Grandma. Pero huwag mong mabanggit-banggit sa akin ang briton na iyon!" Humingi nga ng paumanhin subalit nag-walked out naman. Hindi na nga napansin ang makahulugang tinginan ng mga ninuno. Hinintay na lamang nila na nawala ito sa kanilang paningin bago sila nagpatuloy. "Ano na naman ang problema ng taong iyon at biglang sumulpot?" tanong ng Ginang ngunit ang paningin ay nakasunod sa apong nag-walked out. "Hmmm, umuwi rito ng walang pasabi. Briton ang tawag sa kasintahan. Sigurado akong lovers quarrel iyan, asawa ko. Iyon nga lang ay talagang wala tayong kaalam-alam," sagot ng Ginoo. "Ang babaeng iyon