"Where is my wife?" tanong ni Martin sa nakasalubong na katulong. "She's in her uniform, Sir---" "Ang tanong ko ang sagutin mo! Nasaan ang asawa ko?!" Malakas niyang pamumutol. Hindi naman siya palasigaw sa mga kasambahay nila. Dahil sa katunayan ay hindi siya abusadong amo. Lalo at isa siyang tagapagpatupad ng batas. Kaso sa araw na iyon ay wala siyang pagpipilian kundi ang maging masungit. Dalangin nga lamang niya ay mali ang kaniyang hinala. "S-sorry, Sir. Pero hindi ko po alam. Dahil kaninang pagdating niya ay sinalubong siya ni Eric at may ibinigay na papel. At kagaya po nang sinabi ko ay nakauniporme pa rin po siyang lumabas ulit." Maaring natakot niya ito. Dahil nautal pa nga. Subalit kailangan niyang gawin iyon dahil kung hindi ay baka sa susunod na taon pa niya malalaman kun