"Sumakay ka na. Alangan namang magiba pa tayong dalawa ng kotse?" Di na ako nagreklamo at sumakay na ako agad sa red ferrari niya. Magkakabit na sana ako ng seatbelt pero kinuha niya ito at siya na ang nagkabit sakin. Matapos niyang lagyan ako ng seatbelt ay hinalikan naman niya ako sa pisngi. "Hilig mo sa kiss." Mataray na sabi ko. "Gustong gusto mo naman." Eh? Ang sabi? Oo na, gusto ko nga. Gustong gusto. "I love you, my love." "I love you more, hubby." I kissed his cheek and nagstart na siyang magmaneho. "Hubby, buksan ko lang ang radio mo ha." Tumango lang siya at tumingin muli sa kalsada. [Ikaw lang ang aking mahal - Daniel Padilla] Ililipat ko sana ang station pero hinawakan niya ang kamay ko. "Dyan na lang my love." Di na lang ako nagreklamo at sumandal na la