Yumi’s POV Beep beep. Nakakailang busina na ako pero nakatulala pa din si Martha sa labas ng bahay nila. Ano kayang nangyari sakaniya? Bakit kaya wala siya sa sarili niya? Pinark ko na lang muna sa tabi ng kalsada ang kotse ko at bumaba na para lapitan siya. Hinampas ko siya para magising siya sa realidad. Nakailang kurap din ang bruha kaya halata mong nagulat siya sa presence ko. "Anong nangyayari sayo?" I asked her. Tahimik lang siyang nakatingin sakin at maya maya lang ay umiyak na siya. Bakit kaya umiiyak to? Dahil kaya kay Jake? Nahuli na naman kaya niyang may ibang babae ang asawa niya? "Ano na namang ginawa sayo ni Jake?" Pinunasan niya ang luha niya at umiling siya. Eh kung di si Jake sino namang magpapaiyak dito? Baliw na ba ang kaibigan ko kaya basta