Episode 12

1354 Words

Chelsea’s POV “ATE C1, bakit sad ka?” tanong sa akin ni baby Chelsea. Nginitian ko siya at hinaplos ang kanyang buhok. “Hindi ako sad, baby. Medyo pagod lang si ate C1 at saka puyat kasi ako kagabi.” Paliwanag ko sa kanya. May gig kasi kami kagabi at gabi na ako nakauwi sa bahay. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako masyadong aligaga ngayon. Nasobrahan na yata ako ng pagtatrabaho kaya pati kalusugan ko ay napabayaan ko na. Kailangan ko naman kasi kumayod para kumita ng malaking pera. Hindi ako puwedeng maging tamad. May mga kapatid akong dapat pakainin at pag-aralin. Ayokong nagkukulang sila sa mga pangangailangan nila sa school at sa pagkain araw-araw. “Sorry, ate C2, ako na lang mag-aalaga sa iyo para hindi ka na mapagod." Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya. Napaka-sw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD