Chelsea’s POV NAPAAYOS ako ng pagkakaupo at medyo lumayo ako mula kay Nikolas dahil sobrang lapit na nito sa akin. Halos puwede na kaming maghalikang dalawa. “Tayo na baka naghihintay na ang Neurologist ko,” sabi ko na lang sa kanya. Natigilan nang ilang sandali si Nikolas bago siya kumilos. Bumalik muli ang atensyon niya sa harapan ng manibela at in-start na ang engine. Tahimik na nag-drive si Nikolas at ako naman ay itinuon ang tingin sa labas ng binatana. Ang t***k ng aking puso ay napakabilis. Pakiramdam ko nga ay naririnig niya ang bawat pintig ng puso ko. Bakit ba nagmamadali si Nikolas na maging kami. Sa palagay niya ba sasagutin ko siya kaagad? Diyos ko propose kaagad ang hiling niya sa akin hindi maging nobya niya. Ang bilis naman niya. Alam naman niyang nasa stage palang