Chelsea’s POV HINDI ako makapaniwala sa nakita ko. Hanggang sa makauwi na ako ng bahay ay tahimik lang ako. Halo-halong emosyon kasi ang nararamdaman ko. Bakit siya pa? “Chelsea, magsalita ka naman. Kanina ka pa tahimik diyan magmula ng umuwi tayo. Nag-aalala na kami sa iyo,” ani Emilio. Napasulyap lang ako sandali at ibinalik rin agad ang tingin ko sa labas ng bintana na para bang naroon ang kasagutan sa mga katanungan na kanina pa gumugulo sa aking isipan. ‘Oo nga naman Chelsea, nag-aalala na kami sa ipinapakita mong katahimikan. Baka mamaya niyan nagbibilang ka na ng buhok mo niyan,” biro ni Diego. Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako sa biro niya but this time ay hindi ko magawang tumawa. Paano naman ako matatawa kung nasa panganib si Nikolas at hindi ko alam kung bakit gin