Chelsea’s POV PUMUNTA kami sa sinasabing hideout na kung saan naroon ang lola ko at si baby Chelsea. Ang kapatid ko naman ay nasa pangangalaga ng mga kaibigan ko. At nasa ligtas silang lugar. Ayoko namang madamay sila nang dahil sa kabuktutan ng pamilya ko. Nang makapasok kami sa bahay ay agad kong nakita si lola na nasa sala kasama si baby Chelsea. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. “I am so sorry, apo, kung wala akong nagawang tulong sa iyo. Nalaman ko lang nang dalhin kami rito ni Larius. Sinabi niya na may dumukot sa iyo. Buti na lang at nahanap kayo nila Larius,” ani lola nang kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya. She's on the verge of crying. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. “I understand, Lola. It's a good thing you were here for your own safety while we were s