Nikolas’s POV “Nikolas, tigilan mo na ang kasinungalingan mo kay Chelsea. Paano kung isang araw malaman niyang hindi naman kayo mag-asawa? Ang masama pa isinama mo pa talaga ang anak mo. My god are you crazy?” panenermon sa akin ni Larius ng sabihin ko sa kanya na pati ang anak ko ay idinamay ko sa kasinungalingan. Isang buntonghininga lang ang nagawa ko. I know mali ang ginawa ko dahil dinamay ko pa sa kasinungalingan ang anak ko. “Kapag nalaman ni Candice ito magagalit sa iyo ‘yun at pati na si Donya Concordia.” Napaiiling sa akin si Larius. “Bakit sasabihin mo sa kanila?” tanong ko. Napatawa ng mahina si Larius. ”Kahit hindi ko man sabihin malalaman nila. Remember, malapit na ang kaarawan niya at obligado siyang pumunta doon sa mansyon. Buti nga pumayag na dito na muna si Chel