Chelsea's POV “ATE C1, isama mo dito ‘yung sisters mo para may kalaro ako. Nalulungkot kasi ako wala akong playmate dito sa bahay, eh.” Malungkot na wika ni baby Chelsea. Hinaplos ko ang kanyang mahabang buhok. Gustuhin ko mang isama ang mga kapatid ko ay hindi puwede. Iniisip ko ang Daddy niya dahil baka magalit at ayaw ng ibang tao sa bahay nila. Super sungit pa naman iyon. Ayokong masampulan ang mga kapatid ko at saka mukhang malabo yatang pumayag si Mr. Salvatore. “Hindi puwede, baby C2, baka hindi pumayag ang Daddy mo.” Wika ko. “I'll tell Daddy, papayag rin siya." Malayo yatang mangyari ’yan baby Chelsea. Isinaisip ko na lang ang gusto kong sabihin. Kahit na ba inis ako sa Daddy niya ayoko namang maging obvious sa anak niya na hindi ako komportable sa ama niyang masama ang ugali.