Chapter Ten

2886 Words
CHAPTER TEN ELSA NOONG matapos na namin ang paglilinis ay nagpahinga muna kami saglit. Inabot na rin kami ng tanghali sa paglilinis. Gaya kanina ay andito pa rin si Tonyo at kapwa kaming nakaupo sa upuan. Walang nagsasalita sa amin. Kapwa kami tahimik at pinapakiramdaman ang paligid. Para kaming nasa A Quiet Place sa sobrang tahimik. “Ate, kuya oh merienda muna oh habang nagpapahinga kayo,” inilapag ni Lina ang isang pitcher na naglalaman ng juice at ang tinapay sa harapan namin. Kung hindi pa siya dumating ay wala pang ingay na maririnig. Ganoon kami katahimik ni Tonyo. “Kayo rin magpahinga muna. Sabayan niyo kami dito magmerienda,” alok ko kay Lina. Tumango siya bago nagsalita. “Sige ate, tawagin ko lang po si kuya Borg,” malapad ang ngiti niya habang sinasabi niya yon. “Oh siya sige. Pahinga muna tayo saglit.” Noong makalis si Lina ay binigyang atensyon ko ang pagkuha ng juice sa pitsel pero nagulat ako noong makita kong may laman na ang baso ko. “Nilagyan ko na kanina pa habang nag-uusap kayo ni Lina,” sabi niya at ginawaran niya ako ng alanganing ngiti. Tinatantya niya ang paligid or mas mabuting sabihin tinatantya niya ako. Tinanguan ko lang siya bago kinuha ang baso at uminom. Kaya naman pala todo ngiti si Lina kanina. Nakita niya pala iyon. Ibinaba ko ang baso sa mesa at kumuha ng tinapay. Sabay kaming napahawak ni Tonyo sa isang tinapay. Naglapat ang aming kamay at agad ko iyong binawi na para bang tinamaan ako ng kidlat. “Sorry…” “Sorry..” Sabay naming sabi. Pareho kaming nagulat at napanganga. “Ah hindi okay lang…” “Ah hindi okay lang…” Nanlaki ang mata ko at agad na namula ang mga pisngi ko, ganoon rin siya. Choir ba to?! “Hala. Okay lang talaga. Sige kuha ka na,” mabilis kong sabi saka itinuro ang tinapay na nasa harapan namin. “Hindi ikaw na muna mauna. Gentleman ako kaya ladies first,” iminuwestra niya ang tinapay na nasa harapan namin. "Hindi na. Mauna ka na. Okay lang talaga sa akin,” pagpupumilit ko naman sakanya. Ano bang problema naming dalawa?! At bakit ba, anong meron sa tinapay?! “Hindi okay lang din talaga. Ikaw nalang ang maunang kumuha. Okay lang naman ako,” sabi niya rin at nainis na talaga ako. “Ikaw na nga muna ang mauna.” “Hindi okay—” “Kukuha ka o ipupukpok ko sayo tong pitsel?” pananakot ko sakanya. Nakita ko ang pag awang ng kanyang labi na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita at kumikilos kung kaya’t nagsalita akong muli. “Ano? Pili ka dali. Kukuha o Maipupukpok?" Matalim ang tingin ko sakanya. He actually flinched when he heard me. “A-no.. uhm.. kukuha... Ito na k-kukuha na,” sabi niya at mabilis siyang kumuha ng tinapay at isinubo niya agad iyon ng buo tapos ay agad rin uminom ng juice. Nabulunan ata ang loko. Napangisi ako noong makita ko ang ginawa niya. Oo nga’t umamin siya sa akin at lahat lahat pero nakikita ko pa rin ang pagiging kwela niya at nakikita ko pa rin ang dating Tonyo na takot na takot sa akin. Kawawang tinapay nadamay pa sa kakulitan naming dalawa. Napatingin ako sa aking gilid noong makita kong papunta si Lina at Borg sa gawi namin. Umupo si Lina at nagsalin ng juice sa pitsel habang si Borg naman ay nanatiling nakatayo. “Oh Borg, upo ka. Merienda oh,” alok ko sakanya pero nagkamot lang siya ng ulo at nahihiyang nagsalita. “Salamat boss pero magpapaalam sana ako. Uuwi muna ako sa bahay boss. Bibili pa kasi ako ng vitamins ni misis. Ayoko namang siya ang bumili dahil baka mapagod siya,” aniya. Nakita ko ang pagmamahal at pag-aalala sa mga mata niya. Napangiti ako. “Oh siya sige. Okay lang. Sige ingat. Pakisabi kay misis ingat sila ni baby,” nakangiti kong sabi. Buntis kasi ang asawa niya kaya naiintindihan ko naman. At isa pa tapos naman na ang paglilinis namin, ang pagpunta sa palengke para bumili nalang ang hindi ko nalang nagagawa. “Yes boss!” aniya. Sumaludo pa siya sa akin bago tumalikod at umalis. habang kami naman ay nagpatuloy lang sa merienda at nagkwe-kwentuhan. “AKO NALANG KASI,” pang limang beses ko ng sinabi kay Tonyo yan. Hawak ko ang basket na siyang magsisilbing lalagyan ko ng mga bibilhin ko sa palengke. "Ako na ang maghahawak at sasama ako," aniya. I mentally face palmed myself. Ang kulit niya. "Hindi nga puwede. Ako nalang nga kasi. Maiwan ka dito kase ikaw ang magbabantay ng karinderya," pinameywangan ko siya saka tinaasan ng kilay. "Puwede yan at saka andito naman si Lina kaya niya ng bantayan itong karinderya. Wala namang customer eh diba? Hindi naman kayo bukas so walang mage-effort na pupunta rito," ginaya niya rin ako bali magkaharap na kami ngayong parehong nakapameywang at nakataas ang kilay sa isa't-isa. "Tsk!" Sabay kaming napatingin kay Lina na umiling iling bago nagsalita. "Para po kayong mga bata. Hayyyy. Ako nalang po ang magbabantay sa karinderya. Kuya sumama ka na po kay ate," humarap siya saglit kay Tonyo. Pagkatapos ay sa akin niya ibinaling ang atensyon niya, "Okay lang ako dito ate." "Sigurado ka?" Tanong ko sakanya. Tumango siya. Alanganin man ay pumayag na rin ako. "Oh sige. Basta, mag-iingat ka dito," mahigpit na bilin ko sakanya. Nag thumbs up siya. "Oh sige, aalis na kami," paalam ko. Nauna akong naglakad palabas. Naiwan si Tonyo at Lina sa loob at nakita ko pang nag high five silang dalawa. Tuwang tuwa ah. Pagkatapos noon ay mabilis na lumabas si Tonyo at agad rin akong tumalikod. Di ako tumitingin sa kanila no. "Tara na!" Masayang sabi niya sabay agaw sa basket na hawak ko. Pinabayaan ko nalang siya dahil hindi ko lang din mapipigilan ang gustong gawin ni Tonyo. Siya ang hari ng kakulitan dito sa lugar namin. Talo niya pa si Spongebob at Patrick. "Ang saya-saya natin ah," puna ko sakanya. Paano ba naman kasi ang lapad ng ngiti niya tapos pasipol sipol pa siya. Parang baliw amp. "Oo ah. Kasama kita eh," kumindat siya tapos napailing nalang ako. "Tsk, wag mong sabihin na plinano niyo to ni Lina?" Pinaningkitan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya ng malakas bago nagsalita. "Hindi ko sasabihin kung ganoon," aniya tapos malakas na tumawa. Sabi ko na eh! "Kayo talagang dalawa!" Hinampas ko siya sa balikat pero nasaktan lang ako dahil sa tigas nun. Grabe, parang bato. Nagwo-work out ba tong epal na to? Ang tigas eh. "Akalain mo yun? Binubully niya ako dati pero ngayon magkakampi na kami. Ahh, shet iba talaga kapag pogi," pilyong sabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa sinabi niya. "Wow, ang lakas ng hangin!" Naibulalas ko. Imbes na magsalita ay humagalpak siya ng tawa. "Sobrang lakas ba?" Tanong niya sa akin noong matigil siya sa pagtawa. "Oo! Bagyo na ata!" Nag roll ako ng eyes. Ang gago tumawa ulit. Makabag sana siya jan. Binilisan ko ang maglakad para hindi kami magkasabay sa paglalakad. Hindi siya matigil sa kakatawa eh. "Hala, teka lang. Wait lang naman Elsa sabay tayo maglakad!" Tumakbo siya para magkapantay kami sa paglalakad. Imbes na magsalita ay mas binilisan ko pa ang maglakad hanggang sa nauwi sa pagtakbo. Tumakbo rin siya pero napapatigil dahil may hawak siyang basket. Hindi ko tuloy maiwasang tumawa. "MAGKANO PO?" Tanong ko sa nagtitinda ng kamatis. Iyon nalang kasi ang huling bibilhin. At ngayon ay nasa bilihan kami ng kamatis. Si Tonyo? Panay ang reklamo na bakit daw ang sikip sikip sa palengke. "Tumigil ka nga jan kakasalita. Talagang masikip dito. Palengke to eh," sita ko sakanya at napasimangot lang siya. "My labs, akala ko naman kasi wala ng gaanong tao kasi tignan mo oh pasado alas tres na," itinaas niya ang hawak niyang cellphone at nakita kong pasado alas tres na nga, 3:46 to be exact. Hindi ko nalang sinita si Tonyo sa pagtawag niya sa akin. It's so strange but I felt happy. Is this a sign? Maybe. "Magtiis ka jan. Matatapos naman na tayo. Huli na tong kamatis," sabi ko nalang para kumalma at tumigil siya sa pagrereklamo bago tumalikod at maglakad papunta sa may malawak na space. Ayaw niya kasi dito sa pwesto ko kasi madaming bumibili at masikip. Hindi daw siya makahinga. If I know style niya lang yon, ang arte ni Tonyo. "240 lahat ineng," ibinalik ko ang atensyon ko sa aleng nagbebenta ng kamatis. Inabot ko ang bayad ko. Ibinigay niya sa akin ang supot na naglalaman ng mga kamatis na pinamili ko. "Maraming salamat po." Tumalikod ako at humarap kay Tonyo na nagse-cellphone. Naglakad ako papunta sa kanya. Akmang tatawagin ko siya noong may sumigaw ng pangalan niya. "Tonyoooo!" Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay nabasag ata ang eardrums ko. Napatigil rin ako sa paglalakad. Hindi dahil sa pagsigaw ng babae kundi dahil gusto kong panoorin ang kung anong gagawin ng babaeng kakarating lang. Hindi naman ako gaanong malayo kila Tonyo kaya malaya ko pa ring naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Hindi nga lang ako masyadong nahahalata kasi may mga naglalakad sa harapan ko. Nag-angat si Tonyo ng tingin at bakas ang gulat sa kanyang mga mata. Pero napalitan din iyon ng inis. "Lucy. Oh, kamusta?" "Okay lang naman ikaw kamusta?" Sabi ng babae. Tinignan ko at inobserbahan ko ang Lucy na sinasabi ni Tonyo. Kayumanggi ang kanyang balat at nakalugay ang kanyang buhok na kulay brown. Nakasuot siya ng isang sando at hindi natakpan ang kanyang tiyan. Sobrang iksi rin ng kanyang suot na short. Kinulang siya sa tela. Nag-angat ako ng tingin at tinignan ko ang kanyang mukha. Sobrang kapal ng kanyang lipstick. Pulang pula iyon at dahil sa sobrang pula ay mahihiya ang lips ni Snow white. Makapal rin ang blush on niya na akala mo naman sinampal siya ng limang katao. Tapos ang taas ng kilay niya, mas mataas pa sa Mt. Everest. Napangiwi ako noong ngumiti siya. Ang creepy creepy niya. Alam ko namang masama ang manghusga pero sinasabi ko sainyo, hindi ko naman siya hinuhusgahan. Dinedescribe ko lang siya. Magkaiba yon diba? It's not judging, it's describing. Noong mapadako ang tingin ko kay Tonyo ay naglibot libot ang mata niya. Para bang may hinahanap siya. Noong matagpuan ng tingin niya ang pwesto kung nasaan ako ay nagliwanag ang kanyang mukha at ngumiti. Kumaway pa siya. Nagsasalita pa si Lucy pero hindi niya yon pinakinggan at agad na nagpunta sa pwesto ko. "Hi. Tapos ka na?" Aniya. Hindi ko maiwasang mapangiwi. He just left the clown girl and I felt bad for her. "Hi din. Oo. Pero balik ka na doon. May kinakausap ka pa diba? Hintayin ko nalang kayo matapos," Sabi ko sakanya. Nakita kong napangiwi siya tapos ay nauwi sa pagsimangot. "Ish. Hayaan mo yun. Hindi naman importante yun," walang ganang sabi niya. Sa mga oras na iyon ay parang may isang daang dolphins ang tumalon sa kaloob-looban ko. Parang gusto ko tuloy hawiin ang buhok ko at magsabi ng, ang ganda ko at ang haba naman ng hair ko. Umiling lang ako at inilagay ang kamatis sa loob ng basket na ibinuka niya para mailagay ko sa loob habang nagsalita ako, "Oh siya sige. Uwi na tay--" Pero naputol ang sasabihin ko noong biglang lumitaw si clown girl sa gilid ni Tonyo at hinatak niya pa ito. Nagulat ako, parang nakita ko si Valak na nasa The Nun na lumitaw. "Tonyo kinakausap pa kita eh," maarteng sabi niya. Ang mga kamatis ay nahulog sa lupa dahil sa paghatak niya kay Tonyo. Hindi tuloy iyon nailagay sa basket. Kumulo ang dugo ko. "Lucy naman. Ang sabi ko sayo ayaw kitang makausap at wala na tayong pag-uusapan. Nakakaistorbo ka sa amin," sabi ni Tonyo tapos humarap siya sa akin. Nakita kong napatingin sa baba ang tingin ni Tonyo. "Tignan mo dahil sa paghatak mo nahulog ang mga kamatis. Kaasar ka naman!" Naiiritang sigaw niya kung kaya't napaigtad si clown girl habang ako ay hindi pulos gumalaw dahil sa galit at inis na nararamdaman ko as of this moment. Ibinaba ni Tonyo ang basket na hawak niya saka pinulot ang mga kamatis. "Anong kasalanan ko? Siya ang may kasalanan. Kinakausap pa kita e. Kasalanan niya. Alam niyang kinakausap pa kita pero tinawag ka niya. Nagpapapansin kasi siya sayo!" Maarteng sigaw niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng ito? Anong tinawag? Eh ni hindi ko nga tinawag si Tonyo. Siya ang nagkusang pumunta sa akin. Buhusan ko ng asido itong babaeng to at ng makita niya ang kinakalaban niya. Akmang magsasalita na sana ako noong tumayo si Tonyo at nagpagpag ng kamay. Napulot na siguro niya lahat ang mga kamatis na nahulog sa lupa. "Puwede ba Lucy, wag kang gagawa gawa ng kwento na hindi totoo. Hindi ako tinawag ni Elsa kasi kusa akong nagpunta sakanya. Tumigil ka kakasigaw, nakakakuha ka ng atensyon. Kulang ka ba nun? Kaya naman todo sigaw ka? Sige, hayaan ko nalang den, wag mo ng pigilan ang pagsigaw mo. Tutal gustong gusto mo namang mapahiya. Pero wag mo kami idamay," seryosong sabi ni Tonyo. Gone the funny and happy Tonyo. This one's the scary Tonyo. Napalunok si clown girl pero noong maka recover ay nanlisik ang mga mata niyang tumingin siya sa akin. Ay lalaban ka pa gHorl? Problema mo sa akin? "Siya ba Tonyo?! Siya ba ang ipinalit mo?!" Gigil niyang sabi. Dinuro duro niya pa ako. Hala, problema mo gHorl?! "Lucy puwede ba, tumigil ka na. Nag e- eskandalo ka na oh. Kanina pa pala, pero mas pinapalala mo ang sitwasyon," kalmado pero ramdam na ramdam ko ang bawat galit sa pagbigkas niya ng mga salita. "Oh eh? Ano naman ngayon kung nag e- eskandalo ako? Ayaw mo yon para malaman ng mga tao kung gaano kalandi yang babaeng yan! Inagaw ka niya sa akin!" Sigaw niya. As in sigaw mga mars. Lahat ng tao sa palengke ay tumigil sa kaninang ginawa at napatingin sa gawi namin. Kami ang center of attention mga mamser. "Lucy, puwede ba. Hindi niya ako inagaw sayo at kailanman hindi magiging ganoon ang nangyari dahil ikaw mismo ang nakipag break sa akin kasi may relasyon kayo ng isang teacher sa department natin noong college pa tayo!" Sigaw ni Tonyo. Nakarinig ako ng pagsinghap sa paligid. Nakita ko ang pamumutla ni clown girl. Bull's eye mga mars. Parang gusto ko tuloy pumalakpak. Noong hindi siya nagsalita ay humarap si Tonyo sa akin. Hawak na niya ang basket at nakangiti siya sa akin. "Pasensya ka na ha. Tara uwi na? Masyado ng magulo dito. Sorry. Sabi ko pa naman magiging peaceful ang pamamalengke mo may nanggulo pala," hinging tawad niya. Sobrang tamlay niya rin. Nginitian ko lang siya bago nagsalita. "Okay lang yon. Maingay naman talaga sa palengke eh. Hayaan mo na iyon," mahinahon kong sabi. Nakita ko ang pagdaan ng kaginhawaan sa kanyang mga mata. Probably he felt a hint of relief. "Sige, tara na at umuwi," magiliw niyang sabi. Tumango lang ako. Magkasabay kaming naglakad. Noong lalampasan na sana namin si clown girl ay tumigil ako sa paglalakad kaya naman pati si Tonyo napatigil. "Gusto mo?" Tanong ko sakanya. Hinawakan ko si Tonyo sa balikat bago ipinaharap sakanya. Itinuro ko si Tonyo habang sinasabi ko yon. Nakaside siya sa amin. Nakita ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata. Nginitian ko siya ng nakakaloko. "Puwede ba---" hindi ko siya pinatapos magsalita. Nagsalita agad ako. "Luh, asa ka," nakangisi kong sabi. Nanlisik ang mga mata niya bago namin siya tinalikuran. Hindi ko aakalaing masasabi ko ang mga katagang iyon. Narinig ko kasi iyon kay Lina. Ang sabi niya ay sikat daw iyon ngayon. Ginagawa daw iyon sa tinatawag na app na t****k. Noong makalabas kami ng palengke ay binitawan ko ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Tonyo. Nandito na kami sa gilid ng kalsada kung saan may waiting shed para magpahinga saglit. Ang init kasi ng panahon kahit na alas kwatro na. Totoo ata iyong sinasabi sa news na may global change talaga. Habang nagpapahinga at nakaupo sa may waiting shed ay narinig ko ang pagtawa ni Tonyo. Tinignan ko siya sa nagtatanong na titig. "Gusto mo?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Luh, asa ka," panggagaya niya sa kung anong sinabi ko kanina. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humagalpak siya ng tawa. Ang lakas lakas ng tawa niya! Napasimangot ako bago ko siya hinampas sa balikat-- sa matigas niyang balikat. Ang gago mas lalo lang tumawa. Imbes na mainis ay tumawa na rin ako. "Grabe vinideo ko sana yon! Ang angas mo don my labs! Ang palaban eh," sabi niya. Hinampas hampas niya pa ang tuhod niya habang tumatawa. "Ang sarap gawing ringtone yung sinabi mo my labs! Napaka astigggg!" Masayang sabi niya. Pumalakpak pa nga. Para tuloy siyang masayahing seal. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko maiwasang tumawa na nauwi na sa hagalpak. Grabe, mukha siyang parang ewan. It's been years simula noong tumawa ako ng ganito. Yun bang hindi pilit na tawa. Simula noong mawala si Jackson ay ngayon lang ako tumawa ng sobrang genuine walang halong kaplastikan. Hindi naman siguro masamang buksan ko muli ang puso ko hindi ba? Hindi naman siguro masamang sumugal ulit hindi ba? Hindi naman siguro masamang hayaan ko muling maging masaya ang sarili ko hindi ba? Hindi naman siguro masamang magmahal ulit hindi ba? End of chapter ten.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD