Chapter Seven

2330 Words
CHAPTER SEVEN ELSA KINABUKASAN ay tumigil na ang ulan. Malakas pa rin ang pag-ihip ng hangin ngunit sa awa ng Diyos ay hindi na umuulan na siyang ikinatuwa ko dahil makakauwi na rin ako sa wakas. Hindi ko na rin proproblemahin ang phobia ko, nakahinga ako ng maluwag. Thanks Lord. Simabihan ko na rin sila Borg at Lina na wag na munang pumasok dahil baka mas lalakas lang ang bagyo. May mga pangyayari pa naman na kahit tumigil na ang ulan at hindi na malakas na pag-ihip ng hangin ay hindi siguradong wala ng bagyo. Magugulat ka nalang biglang lalakas iyon. Magulat ka nalang, biglang bubuhos ang malakas na ulan eh ang init ng panahon kanina. Hangga’t wala pang naibabalitang umalis na ang bagyo ay hindi ko muna bubuksan ang karinderya. Hindi naman siguro iyon masama. Mas mabuti na rin iyong nag-iingat. It’s better to be safe than sorry sabi nga nila. Inayos ko ang padlock na nasa harapan ko. Sinigurado kong maayos ang pagkakasarado nun. Mahirap na, panahon pa naman ng sakuna at may mga tao talagang mapagsamantala. Noong maayos na ay isinilid ko sa aking bag ang susi. Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking bag at ang pagkakahawak ko sa payong. In case of emergency kapag umulan na sana ay wag naman. Nakakalimang hakbang palang ako noong may sumabay sa paglalakad ko. Noong tinignan ko kung sino ay pinabayaan ko nalang. Sabagay, alas sais na ng umaga kaya out na niya. “Anong ginagawa ng pinaka panget na asungot sa balat ng lupa dito sa tabi ko?” mataray kong tanong. Inilipat ko ang pwesto ng payong sa gitna naming dalawa. Nakita kong nagkamot siya ng ulo bago siya tumigil sa paglalakad saglit at nagpunta sa harapan ko mismo. Oo sa harapan ko talaga. “Makikisabay? Ay mali, ihahatid kita,” determinadong sabi niya. Inangat niya pa ang kamay niya tapos nag flex na parang ang laki ng muscle niya. Well, malaki naman talaga ang muscles niya. Kitang kita sa uniporme niya. Ang linis ng uniporme niya na para bang ibinabad niya iyon sa isang daang Tide powder. Gusto niya sigurong sabihin ng mga nakakakita sa malinis niyang uniform ang “Gulat ka no?” na linya ng commercial ng Tide dahil sa puti. Halata ang pagiging malinis niyang tao dahil sa suot niya. No wonder, halatang nurse siya at nagmukha siyang tao. “Oh bakit? Wala naman akong sinabing puwede kang makisabay ah. At kelan ako pumayag na ihahatid mo ako?” tinaasan ko siya ng kilay. Umihip ang hangin at nagulo pa lalo ang dating magulo niyang buhok. “Bakit hindi puwede?” nakasimangot niyang tanong. Para kaming tangang dalawa na nakatayo sa kalsada tapos humahangin pa. Para tuloy kaming may shooting sa isang pelikula. Kulang nalang ng background music. “Hindi puwede. Hindi maaari. No. Never,” nakapameywang kong sabi. Swerte nga niya hindi ko pa rin inihahampas tong payong na hawak ko. Nakita kong mas lalo pa siyang sumimangot at bagsak ang kanyang magkabilang balikat pero saglit lang yon dahil agad rin umaliwalas ang kanyang mukha. “Eh? Pakialam ko naman. Ihahatid pa rin kita. Mas mabuti na iyong mainis at maasar ka sakin basta maihatid kita ng safe,” nakangiti niyang sabi. Mata-touch na sana ako pero naalala kong no to love life ako at wala akong panahon sa mga ganito kaya naman tinaasan ko lang siya ng kilay. “Bahala ka jan,” sabi ko nalang at nagsimula nang maglakad. Napahawak ako sa buhok ko noong umihip ang hangin. Ano ba yan, nagsuklay pa naman ako kanina nagulo lang din. Sumabay si Tonyo sa paglalakad. Bali sabay na kami ngayon maglakad, malamang kakasabi ko palang sabay kami maglakad. Anong kabobohan yan Elsa? Pareho kaming walang imik at tanging mga yapak lang namin ang ingay na maririnig. Nakapamulsa siya habang ako naman ay nakahawak sa bag at payong ko. Akala ko ay tahimik kaming maglalakad pero nagkakamali ako dahil nagsalita siya. “Elsa, may tanong ako,” panimula niya. Hindi ko siya pinansin dahil baka ano na naman ang itanong niya sa akin. Minsan mga walang kwentang bagay lang itatanong niyan. “Uys, my labs may tanong ako.” Napabuntong hininga ako bago tumango. Baka hindi niya ako tantanan eh kaya naman pumayag nalang ako. “Kamusta na si Ana at Kristoff?” tanong niya na siya namang nagpakunot sa aking noo. Anong sinasabi nito? See? Walang kwentang tanong. “Anong pinagsasabi mo? Ikaw Tonyo tumigil ka sa mga katarantaduhan mo sa buhay ah. Wag mo ako madamay damay sa mga trip mo,” sabi ko at inirapan ko siya. “Hala grabe ka naman. Hindi ba sila okay? Eh yung reindeer ni Kristoff? Kamusta? Totoo bang carrot talaga ang paborito niyang kainin?” hindi pa rin talaga siya tumitigil. Sunod sunod na tanong pa rin ang pinakawalan niya. “Okay lang sila. Tulog sila as of the moment kaya shut up ka na,” pagsabay ko sa kung anumang trip niya para matigil siya sa pagdadaldal. Daig pa ng isang babae itong si Tonyo. Kalalaking tao ang kulit at ang daldal. “Oo na ito na tatahimik na,” sabi niya at ginawa niya yung parang izinipper niya ang kanyang bunganga. Namayani ang katahimikan sa amin. Ang pag galaw ng mga puno na nadadaanan namin at ang mga yapak namin ang siyang naririnig. Akala ko talaga napaka peaceful and quiet na ng journey namin pauwi pero nagsalita pa ulit si Tonyo. “Elsa, may tanong ulit ako,” ganadong sabi niya. Full of energy na full of energy ang peg niya. Hindi ba to pagod sa trabaho? “Ano na naman?!” hindi ko na maiwasan ang sumigaw dahil sa inis. Napaka kulit niya daig pa niya ang anak ko. “Nakalimutan kong kamustahin si Olaf. Kamusta pala siya? Yelo pa rin ba? Hindi naman na siya natutunaw diba?” curious na curious na tanong niya. Dahil sa tanong niyang iyon ay na realize ko kung sino si Ana at Kristoff na tinatanong niya kanina pa pati na rin si Olaf. Did he mistook me for being Princess Elsa or nang iinis lang talaga siya? Ahh malamang sa malamang dahil sa Elsa ang pangalan ko. Alin man sa mga rason na yan ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagawa ko siyang hampasin ng payong. “Walang hiya ka! Nang-gagago ka bang hayop ka?!” pagkatapos ng payong ay hinampas ko siya ng bag ko. “Aray ko naman! Elsa wait lang—aray! Wag sa mukha,” iniharang niya ang kamay niy sa mukha niya. “Tanggalin mo yan gago. Wag mo ihaharang yan. Dali! Dali!” gigil kong sabi. “Teka! Bakit ka ba nanghahampas ng payong at bag? Diba may powers kang ice ice ice? Gusto ko makita dali!” tuwang tuwa niyang sabi. Pumalakpak pa nga eh. “Gago, hindi ako si Elsa ng Frozen! Itarak ko sa lalamunan mo tong payong eh!” “Ay hindi ba ikaw yun? Sorry same name lang pala kayo mahal. Sorry na wag ka na magalit. Magkaka wrinkles ka lah sige,” sabi niya at inakbayan pa niya ako na para bang wala siyang ginawang kabobohan. Siniko ko siya bago naunang naglakad. Narinig ko pa nga siyang umubo eh. Bahala siya jan. Mukha ba akong Elsa ng Frozen?! Ugh! Kairita! TONYO NAPAHAWAK ako sa tagiliran kong siniko ni Elsa. Grabe napaka harsh talaga ng babaeng gusto ko. Imbes na masaktan at magalit dahil sa pangsisiko niya sa akin ay kinilig pa ako. Martyr na ba yon? Nah, hindi naman. Sobrang na appreciate ko lang ang paraan ng pagmamahal niya. Napaka brutal nga lang pero oks lang yon. “Teka lang my labs. Diba dito yung daan papunta sa bahay niyo?” itinuro ko ang direksyon kung saan siya naglalakad kapag pauwi. Ibang direksyon kasi ang tinatahak namin eh. Tinaasan niya ako ng kilay kasabay ng pagtalim ng kanyang mga mata. Napatalon ako dahil sa gulat. Parang may nakikita akong masamang espiritu sa katawan ni Elsa and it was at this moment, I knew I fvcked up! “Sinusundan mo ba ako kapag umuuwi ako?” tanong niya. Paktay mga brad. “Ha? Sinong sinusundan?” maang kong tanong. Nakita kong pinandilatan niya lang ako ng mata bago pinag patuloy ang paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag. Nakakatakot talaga magalit ang mga babae. Lalong lao na kapag si Elsa ang pinag-uusapan. Magulat nalang ako hagisan niya ako ng yelo or apoy eh. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nasa unahan ko si Elsa habang nasa likod naman niya ako. Hindi talaga ito ang daan papunta sa bahay niya. Oo, alam ko kasi naman sinusundan ko siya. Tama siya. Ang creepy no? Pero dahil gusto kong makasiguradong safe siya uuwi ay pasimple ko siyang sinusundan. Nagpapaalam ako kay Jerome or kay doc na may pupuntahan ako at dahil wala naman akong record ng kahit na anong hindi maganda sa ospital, pumapayag naman sila. Actually gustong gusto kong ihatid si Elsa, matagal na. Pero dahil sa natatakot akong baka i-reject niya at awayin lang sa daan ay hindi ko ginawa. Pero iba na ngayon, ibang iba na. Wala na akong pakialam kung mareject man ako. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ihatid siya. Siguro ay sawa na rin ako maghintay ng sign galing kay Lord kaya gumagalaw na ako ngayon. Naalala ko pa noong humingi ako ng sign kay Lord kung liligawan ko na ba si Elsa or hindi pa. Humingi ako ng sign na kung maaari ay may magpakita sanang ibon sa akin kahit anong oras noong mga araw na iyon kung okay na at liligawan ko na si Elsa pero imbes na ibon ay hinabol pa ako ng aso. Natawa nalang talaga ako sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon. Sign naman siguro iyon ano? Tumigil kami sa isang hindi kalakihang bahay. Halatang may pagkaluma na ito pero hindi naman to the point na isang buga lang ng hangin ay masisira na, hindi ganun. Tumigil si Elsa kaya naman tumigil rin ako sa paglalakad. Humarap siya sa akin at naka poker face lang siya. Grabe, bakit ganun? Ang ganda niya pa rin kahit walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha. Napaka effortless ng ganda niya. “Salamat sa paghatid hanggang dito sa bahay ni Nay Nina,” sabi niya. Walang halong ngiti at sobrang seryoso niya. Nginitian ko lang siya at nag thumbs up ako. “Walang anuman mahal,” pagkasabi ko noon ay biglang tumalim ang kanyang tingin. Agad siyang kumuha ng bato sa gilid ng mga paso habang ako ay kumaripas ng takbo. “Ba bye my labs! See you bukas!” sigaw ko. Napatingin naman ang lahat ng tao sa gawi ko pero tumawa lang ako. Baliw na ba ako? Yung babaeng gustong gusto ko ay napaka brutal at walang bakas ng ka sweetan sa katawan pero para akong nasa ulap sa tuwing binibigyan niya ako ng atensyon o sa tuwing naiinis siya dahil sa akin. Ang sarap kaya sa feeling. Akalain mo yun binibigyan niya ako ng atensyon. Ang hirap kayang kunin ang atensyon ni Elsarilla. Alam niyo yon, Elsa plus Godzilla equals Elsarilla. Para kasi siyang galit na galit na Godzilla sa tuwing naiinis o naasar dahil sa akin. At gustong gusto ko yon kahit pa minsan nababato ako ng kahit na anong bagay or nasasapak niya ako. There are different ways on how to express your love to someone at para sa akin ganon siguro i-express ni Elsa ang pagmamahal niya sa akin. Joke lang, ni crush wala nga siyang maramdaman sa akin eh pagmamahal pa kaya? Paano ba to? “My man!” inakbayan ako ni Carlos—kaibigan ko at classmate ko noong nasa Med school palang kami. Kababata ko rin siya kaya naman hindi nakapagtataka na hanggang ngayon ay close pa rin talaga kami. Ang haba ng pinagsamahan namin eh. Daig pa namin mag jowa. “Yow,” bati ko. “Tapos na shift mo?” Tumango lang ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at antok noong hindi ko na kasama si Elsarilla. Kanina naman wala to, iba talaga ang powers ni Elsarilla nakakatanggal pagod at antok. “Para kang isang lantang gulay brad,” komento ni Carlos at hindi na ako nakipagtalo pa kasi totoo naman. “Oo ah. Malamang pagod at puyat. Ikaw kaya mag shift at nang maranasan mo rin,” sabi ko. Nakita kong umiling lang siya bago naglakad ng nakapamulsa. Bali sabay na kami maglakad ngayon. “Ayoko brad. Hindi ko pa feel mag trabaho sa ospital. Saka chill chill muna,” sabi niya. Umiling nalang ako dahil sa sinabi niya. Simula noong mga bata palang kami ay happy go lucky na talaga itong si Carlos. Mas lumala noong nag highschool at nag college na kami, no wonder black sheep ang tawag sakanya ng mga kapamilya niya. “Dude, trabaho rin minsan,” sabi ko. Ilang beses ko na siyang sinabihan pero ang loko enjoy life daw. “Oo na. Oo na. Maghahanap na. Pero wala ka bang puwedeng ipakilala? Yung ready sana mainjectionan,” tumaas at bumaba pa ang kilay niya. Tumawa ako. Certified playboy kasi itong si Carlos. Puwede silang magsama ni Jerome eh. Ano bang makukuha nila sa pambababae? Madudungisan lang ang kanilang pangalan at pagkatao. Buti nalang ako loyal at stick to one. Kay Elsa lang kakalampag. “PAANO ko ba sisimulan to?” Kanina pa ako nakatingin sa isang papel. Ni isang salita ay wala pa akong naisulat. Nagkalat rin ang mga scented paper sa mesa pati na rin ang guting at glue. “Dear Elsa?” tanong ko sa sarili ko. Umiling iling ako na para bang isang pagkakamali ang nabanggit ko. “Ang pangit. Walang dating.” Nangalumbaba ako sa mesa. Bakit ko ba to ginagawa? Ah kasi sinabi ni Jerome. Ito daw ang napaka gandang paraan ng panliligaw. Gusto ko sanang haranahin si Elsa pero bago pa ako makakanta ay batuhin lang niya ako ng kaldero or habulin ako ng aso. Kaya naman ang naging desisyon ko ay ang magsulat ng isang love letter. Pero mahigit isang oras na ay hindi pa rin ako nakakabuo ng isang matinong mensahe. Paano ko ba simulan? English ba? Tagalog nalang kaya total Pilipino naman ako. Tngina ang pangit pa naman ng hand writing ko, parang hinalukay ng manok. Huminga ako ng malalim bago sinimulan magsulat. Bahala na si batman. end of chapter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD