Chapter Six

2772 Words
CHAPTER SIX ELSA WALA NG libre ngayong panahon na to kaya naman dapat ay magsikap ka. Hindi lahat ng mabibili ngayon ay gaya noon na ultimo piso ay limang candy na. "Ate, magpapaalam po sana ako. Exam week namin next week," tumingin ako sa gawi ni Lina. Tumango lang ako. Kapag kasi exam week niya ay hindi ko siya pinapayagang magtrabaho para naman makapag focus siya sa exam niya. Noong una ay ayaw pa niya. Nahihiya raw siya sa akin kung hihingi siya ng oras para makapag review sa exam. Ako naman ay hindi makakapayag kung mababagsak siya kaya ang sabi ko sa tuwing exam week niya ay hindi muna siya papasok. "Salamat ate." "Walang anuman Lina. Oh siya, pakiayos yung isang mesa doon sa may malapit lalagyan ng mga baso" itinuro ko ang mga platong hindi pa naliligpit. "Yes ma'am!" NAKAUPO lang ako dito sa may kaha at naghihintay ng kung sinong customer ang darating. Medyo malakas ang ulan at mabuti nalang talaga hindi sinasabayan ng hangin. At mabuti nalang talaga kinakaya ko pa. Panay iwas akong tumingin sa bintana at pinto. Ang sabi sa news ay ngayon palang papasok ang bagyo kaya naman todo ingat kami. Baka nga ay maaga pa kaming magsara at hindi na muna mag iihaw. "Ate, ipapasok ko na po yung mga ibang mesa sa labas. Nauulanan po kasi," tumango ako at lumabas si Lina. Umaambon pero hangin naman ngayon ang lumalakas. Wala rin masyadong customer dahil siguro alam nilang masama ang panahon at may bagyo. Inilock ko ang kaha at nagtungo sa labas para tulungan si Lina. Mahirap na baka mapano pa siya halos anim na mesa rin ang nasa labas. Natagpuan ko siyang inaayos ang mga upuan. Pinagpatong patong niya ang mga upuan. "Bilisan natin, basang basa ka na oh." "Ate!" Gulat niyang sabi. "Hindi po, okay lang ako. May baon naman po akong damit. Saka naka raincoat naman po ako." "Kahit na. Useless yang raincoat mo. Tignan mo oh nababasa ka na. Bakit ba kasi sinuot mo yang raincoat mo eh basa na dati yan? Hala, sige dalian natin. Baka magkasakit pa tayo pareho," binuhat ko ang mga upuang natapos na niyang pagpatungpatungin. Huminga ako ng malalim. Ambon lang yan Elsa. Hindi malakas na ulan na may kulog at kidlat. Kaya mo yan. Mabilis ko iyong ipinasok at itinabi sa may gilid. Pupunasan nalang namin to mamaya. Noong masiguro kong maayos na ang mga upuan ay lumabas ulit ako para magbuhat. Laking gulat ko sa nakita ko noong makalabas ako. Miski si Lina ay natulos sa kinatatayuan. "Anong ginagawa mo rito?" Lumingon siya sa akin. Ngumiti siya na siyang naging dahilan kung bakit nagpakita ang kanyang biloy sa magkabilang pisngi. "Tumutulong ako Elsa ko, hindi ba obvious?" Kung may hawak lang ako ay baka naibato ko na iyon sakanya. Pero dahil umaambon at kailangan talaga magmadali ay hindi na ako nag aksaya ng oras kaya ako ay tumango nalang. "Lina, pumasok ka na at magpalit. Baka magkasakit ka. Ako nalang ang bahala dito." "Opo ate." Noong makaalis si Lina ay tinignan ko si Tonyo na patuloy pa ring nag-aayos ng upuan. Naka simpleng puting tshirt at kulay pulang shorts lang ang suot niya. Nakatsinelas lang din siya. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago nagtungo sa gawi niya at para tumulong na rin. Mataray talaga ako sakanya. Always yan pero ngayong tumutulong naman siya, sige hindi na muna ako magtataray. Exemption ngayong araw, bukas nalang ulit ako magtatataray. "Wala ka bang ibang gagawin? Bakit ka andito?" Tanong ko. Nakita kong natigilan siya. Tinignan ko siya. "Hala! Sino ka? Si Elsa ka ba talaga? Oh my god! Hu u?!" Bigla siyang tumigil sa ginagawang pagbubuhat ng upuan at tinignan ako na para bang may dalawa akong ulo. "Sira. Si Elsa to," sabi ko nalang. Ano bang meron? Nakakagulat ba masyado? "Hindi kasi ikaw ang Elsang kilala ko. Ano bang nakain mo? Hindi mo ako sinisigawan at tinatarayan ngayon ah," nginisian niya ako. Lumapit ako at binatukan ko siya. "Siraulo!" "Aray, ayan. Si Elsa ka na ulit. Brutal mo na eh," sabi niya. Hinihimas niya ang parte kung saan ko siya binatukan. "Bilisan natin. Palakas ng palakas ang ulan at ayokong maabutan ng malakas na ulan. Tutulong ka naman eh. So bilis bilis," sabi ko at sinimulan ko ulit pagpatungpatungin ang mga upuan. "Grabe ka naman. Nagmamadali?" "Oh may reklamo?" Nakita kong umiling iling siya habang nasa harapan ang dalawang kamay. "Wala. Wala po madam," mabilis niyang sabi. Nag tsk lang ako bago siya sinagot. "Mabuti naman. Nag volunteer ka diba? So walang magrereklamo jan. Ginusto mo yan," mataray kong sabi. Nagsimula na akong mag ayos ng upuan at tinalikuran ko siya. Wala na palang bukas bukas, hindi ko matatanggal ang pagtataray. "Mas gusto kita." "May sinasabi ka?" Mabilis kong tanong at humarap sakanya. Mabilis ang kanyang pagkilos at pag iling. Mabilis niyang binuhat ang upuan at nagtungo sa loob ng karinderya. Napano yun? "Wala. Sabi ko magtratrabaho na." NAPAGDESISYONAN kong isasara na muna ang karinderya. Hindi na maganda ang panahon at palakas nang palakas ang ulan na sinasabayan ng malalakas na paghampas ng hangin. "Lina kapag natapos na kumain ang last na customer natin, magsasara na tayo." "Sige po ate." Pinagpatuloy ko ang pag-aayos. Inilagay ko ang mga paninda sa lugar kung saan hindi malalaglag ang mga iyon. "Ate, magsasara na tayo. Wala na tayong customer eh." "Sige. Sige. Pakisabi kay Borg saka Lina pakilagay ang close sign," itinuro ko ang close sign sa gilid. Mabilis naman niya kinuha iyon at isinabit sa gilid kung saan makikita ng mga taong papasok if ever man na may papasok na close kami. "Magsasara na kayo?" Tinignan ko si Tonyo na nasa gilid. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa siya umaalis. Pinanindigan na niya talaga ang pagiging matulungin niya. Nagpupunas na nga ng upuan eh. "Hindi. Mag o open kami. Hindi ba obvious? Bobo ka boi?" Nasabi ko sakanya. Narinig kong tumawa si Lina. "Psh. Grabe ang harsh mo naman my labs. Nagtatanong lang eh. Oy Lina, wag ka tumawa. Kampihan mo ako," sabi niya. Tinuro niya pa ang sarili niya. "Hays kuya talaga. Magpunas ka nalang jan," sabi ni Lina saka siya nagpunta sa mesa kung saan hindi pa naliligpit ang mga plato. Tinignan ako ni Tonyo at tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit ang bully ng batang yon?" Tanong niya sa akin. "Aba ewan ko. Kabully-bully ka naman kase. Hala sige, kilos na," sabi ko sakanya. Nakita kong sumimangot lang siya at nag pout pa. "Grabe. Mag-amo nga kayo. Nagtratrabaho na nga ako dito. Hindi ba puwedeng maging mabait ka kahit konti? Mwehehehe." "Nag volunteer ka diba? May reklamo? Nagrereklamo?" Ngisi ko sakanya at nakita kong bumagsak ang magkabilang balikat niya. "Wala wala. Ito na. Magpupunas na. Sabi ko nga." Hindi ko alam pero lihim akong napangiti sa itsura niya. Ang corny mo Tonyo. "INAASAHANG malakas na ulan na may malakas na pagbugso ng hangin ang bagyong Kemerut. Pinapayuhan na mamalagi sa loob ng bahay para maiwasan ang kung anumang aksidente." Hays, palakas ng palakas ang ulan. Sumilip ako sa bintana at hindi ko na maaninag ang daan. Panay puru tubig ang nakikita ko. Kinabahan ako. Mabilis kong nilayuan ang bintana at mabilis kong ibinaba ang kurtina. "Hay ano ba yan. Ang lakas ng ulan," sabi ko at pumangalumbaba. "Mas malakas tama ko sayo ah," lumingon ako at pinandilatan ko si Tonyo. Bakit ba hindi pa to umaalis? "Bakit andito ka pa?!" I half shout. "Eh kasi nga wala kang kasama diba?" Sabi niya. Wala namang bakas ng panloloko at pangungulit yon. Parang nagsasabi lang siya ng isang sagot sa question ng guro. Napabuntong hininga ako. Umuwi na si Lina at Borg. Nag-aalala pa nga ako kasi hindi pa tumitigil ang ulan ay aalis na sila. Pero okay naman daw kasi nakauwi na sila ng maayos. Nag text sila kanina kaya napanatag na ang loob ko. Hindi pa ako umuuwi hindi dahil gusto kong masolo si Tonyo. Hindi pa ako umuuwi dahil ayokong mabasa ng malakas na ulan. Ayokong lumusong sa ulan kasi naaalala ko ang isang pangyayaring nakapagpabago sa akin. "Umuwi ka na rin kaya my labs? Malapit ng mag alas singko. Hindi ka pa ba uuwi niyan?" Tinignan ko lang si Tonyo. Wala siyang kaide-ideya pero tama siya kailangan ko na talagang umuwi. Pero ang lakas pa ng ulan. Baka manginig lang ako sa takot. Isipin ko palang na lulusong ako sa ulan ay nanginginig na ako. Huminga ako ng malalim. Kalma lang Elsa. Ombrophobia. Yes, I have a phobia with rains most especially heavy rains with thunder and lightning. Noong bata pa ako ay hindi naman ako takot talaga sa ulan. Kahit pa magdamag na ulan, kulog at kidlat ay natutuwa pa ako kasi kinabukasan ay walang pasok. Pero simula noong mangyari yon ay hinding hindi na ako sumubok pang lumusong sa ulan. Okay lang naman kapag nakikita ko lang at naririnig pero depende pa rin kung mahinang ulan lang. Ibang usapan na kapag sobrang lakas ng ulan. Pero kung lulusong ako ay ibang usapan na yon. Ayaw na ayaw ko kasi para akong sinasakal. Minsan pa ay feeling ko nalulunod ako at nakikita ko ulit ang nangyari na para bang sariwang sariwa pa sa alaala ko. Na para bang nangyayari ulit yon. Sabi ni Nay Nina ay magpa therapy raw ako pero dahil sa kakapusan sa pera ay mas finocus ko nalang kay Jay-ar lahat. "Elsa? Uy, ayos ka lang?" Nabalik ako sa reyalidad noong marinig ko si Tonyo. Nasa harapan ko na siya at halata ang pag-alala. "Ah oo. Okay lang. Teka lumayo ka nga. Ang lapit mo," tinulak ko siya pero hindi siya natinag. "Okay ka lang ba talaga? Namumutla ka," bakas ang pag-alala sa mukha niya. Hinawakan niya pa ang noo ko. "Ha? Ah oo. Okay lang talaga ako," tumingin ako sa orasan. Malapit na mag alas sais. Tumayo ako at nagpunta sa pintuan para tanggalin ang pagkaka lock nun. "Diba may duty ka pa? Sige na. Okay lang ako dito. May payong ka naman diba?" Tumango siya ng dahan dahan. Alam kong nag-aalanganin lang siyang tumango pero wala na akong pakialam. Baka malate pa siya at sisihin ako. "Umalis ka na. Okay na. Shuu babush," pagtutulak ko sakanya. "Sure ka bang okay ka lang mag-isa?" Lumingon pa siya sa akin pero itinulak ko lang ang mukha niya paharap. "Oo nga. Sige na layas na." "Sure ka? Sige then, ba bye," sabi niya at mabilis na kinuha ang payong sa may sabitan sa gilid. Ako naman ay mabilis na pumasok sa loob. Mabilis ko ring isinarado ang pintuan. Halos muntik na ngang masampal ng pintuan si Tonyo. "Elsa--" Hindi ko siya pinatapos magsalita kanina at basta ko nalang sinarado ang pintuan. Sumandal ako sa nakasaradong pinto habang nakapikit ang mata. Malakas ang kabog ng dibdib ko at mabibigat rin ang paghinga ko. Konting imahe ng ulan lang naman ang nakita ko pero ganito na ang reaction ko. Tinignan ko ang mga kamay ko at nanginginig ang mga ito. Huminga ako ng malalim. Ilang beses ko pa iyon ginawa at noong matiyak kong kumalma na ako ay nagtungo ako sa kwarto ko. May kwarto sa loob ng karinderya. Sinadya ko talaga iyon dahil minsan hindi na ako nakakauwi dahil sa sobrang pagod. Kinuha ko ang cellphone kong apat na bar pa ang baterya. Idinial ko ang numero ni Nay Nina. Convo: Call "Hello nay, kamusta po kayo ni Jay-ar jan?" [ Hello Elsa. Okay naman. Malakas pa rin ang ulan. Wag kang uuwi kung hindi pa tumitigil ang ulan anak. Hindi ko pababayaan si Jay-ar kaya sana wag ka ng mag-alala at wag ipilit ang umuwi. ] Hindi lingid sa kaalaman ni Nay Nina ang phobia ko. Nasaksihan niya rin kasi minsan kaya naman ay ganito siya magsalita. "Opo nay. Pakisabi naman ho kay Jay-ar na hindi ako makakauwi. Tiyak na hahanapin niya ako. Pero alam ko namang hindi siya iiyak." If there's one thing I'm proud of I can say that my son is very understanding. Hinding hindi talaga ako nagkamali ng pagpapalaki sakanya. I am a proud mother. [ Oo basta ay mag-iingat ka jan. Ikaw lang ba ang mag-isa jan? Sana ay hindi mo muna pinauwi si Lina. ] "Pinauwi ko na ho nay. Wala rin kasama ang mga kapatid at magulang niya. Saka alam niyo naman si Lina." [ Oh siya sige. Mag-iingat ka jan. Wag na wag lang lalabas kapag hindi pa tumitigil ang ulan. Wag na wag mong bibitawan ang cellphone mo. Tumawag ka agad kung may mangyayaring hindi maganda na sana ay wag naman. Mag-iingat ka jan anak. ] Napangiti ako sa sinabi ni Nay Nina. Hindi ko man talaga siya totoong ina ay nararamdaman kong tunay na anak ang turing niya sa akin. Ang dami kong problema noon na siya ang kasama ko at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil may isang Nanay Nina sa bubay ko at sa buhay namin ni Jay-ar. "Opo nay. Wag kayong mag-alala. Okay lang ako at hinding hindi ako lalabas hangga't hindi pa tumitigil ang ulan." [ Oh siya sige. Naghahanda kami para sa hapunan namin. Kumain ka na rin. ] "Opo nay. Sige po, mag-iingat kayong dalawa. Tumawag lang po kayo kung may problema at may kailangan kayo." [ Oh siya sige. Mag-iingat ka rin jan. ] Pinatay ko ang tawag at napabuntong hininga ako. Inilibot ko ang buong tingin ko sa karinderya. Nakasarado ang bintana at nakababa na rin ang mga kurtina. Tiniyak ni Lina na nakasarado iyon ng mabuti habang si Borg naman ay inasikaso ang kusina. Tumayo ako at nagtungo sa kusina para magluto ng makakain. Nagugutom na ako. RINIG NA RINIG ko pa rin ang malakas na paghampas ng hangin sa bubong at malakas na pagbuhos ng ulan. Mahigit dalawang oras na akong nakatitig sa kisame. Kung nagsasalita lang ang kisame ay baka sitahin niya na ako kung bakit ang tagal kong nakatitig. Tumagilid ako ng higa pagkatapos ay tumagilid ulit. Tapos ay ganon na naman. Paulit ulit lang. "Hays!! Hindi talaga ako makatulog," sinabunutan ko ang sarili ko. I heaved a sigh. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa kung saan nakalagay ang mga 3 in 1. Kumuha ako ng isang great taste white. Kumuha ako ng isang mug at naglagay ng mainit na tubig bago ko ilagay ang kape doon. Ang sabi ng iba ay kung gusto mong hindi ka makatulog ay magkape ka raw pero para sa akin, ang kape ang siyang nagpapaantok sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ganon talaga ako. Sa gitna ng malakas na pagbagsak ng ulan at malakas na paghampas ng hangin ay prente akong nakaupo at ineenjoy ang kapeng tinimpla ko. TONYO OKAY lang kaya na iwan ko si Elsa don? Puntahan ko kaya siya? Pero baka nakauwi na yun. Mabilis niya pa ako tinulak kanina eh so that means na uuwi na siya diba? Pero paano kung hindi pala siya umuwi tapos hinihintay niya ako? Possible kaya yun? Nah, impossible yon dahil inis na inis sa akin yun eh. Mabuti nalang talaga at hindi siya nagtaray kanina. Pero puntahan ko kay-- "Uys!" "Ay puntahan!" "Sinong pupuntahan?" "Jerome naman! Magsalita ka naman bago ka umakbay!" Hindi ata kapogian ang papatay sa akin kung hindi si Jerome na nanggugulat. "Tol, ilang taon na tayong magkasama wag kang oa sanay ka na nga sa akin e. Pero first time mong magulat ah. Anong iniisip mo?" "Wala. Wala akong iniisip. Sige na nga," tinanggal ko ang pagkaka akbay niya sa akin at lumabas ng cafeteria ng ospital. Kung hindi lang umuulan malamang kila Elsa ako bibili. Pero wala kasing tigil ang ulan. Saka ko lang nalaman na may bagyo kanina dahil narinig ko kila Elsa. "Wala daw. Si Frozen yan no?" "Gago, hindi siya," depensa ko sa sarili ko. Totoong si Elsa ang iniisip ko pero nunkang sasabihin ko sa gagong to. "Ehhhh, si Frozen nga." "Tsk. Halika na nga. Balik na tayo. Malalagot tayo kay doc," sabi ko sabay inom sa kapeng hawak ko. May lid yon kaya malaya kong naiinom kahit na naglalakad kami. "Hala si Doc Bea ba nakatoka sa atin?" Nagningning ang mga mata niya. Tignan mo tong gagong to. "Gago hindi. Saka uy off limits si Doc Vrox. Matatanggalan ka lisensya agad kapag siya naging nobya mo," sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo niya. "Luh? Paano mo nasabi?" "Mahuhuli ka niyang mambababae edi boom, tanggal lisensya!" Sumimangot siya bago ako mahinang sinuntok sa braso. "Ulol mo." Mas lalo lang akong tumawa at patuloy na naglakad papunta sa ICU. End of chapter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD