CHAPTER TWENTY ELSA “HAPPY 2nd WEEKSARY!” Parang gusto kong kutusan ang sarili ko dahil hindi ko na napigilang tumili sa isipan ko. Gusto kong tuktukin ang sarili ko dahil para akong bumalik sa pagka highschool. Kilig na kilig ako sa simpleng pa Happy 2nd Weeksary ni Tonyo eh. “Ano yan?” natatawa kong tanong sakanya. Hawak hawak niya ang isang plato tapos may isang cupcake yu. Feeling ko chocolate flavor iyon dahil kulay black at may kulay blue na icing. May maliit pang kandila sa taas nun tapos sa baba naman ay may nakasulat na HAPPY 2ND WEEKSARY. Hula ko ay creamstick ang ginamit niya pansulat doon. So cute naman! “Cake mo. Low budget edition kaya cupcakes muna,” sabi niya. Tumawa ako kaya ay sumimangot siya at ngumuso pa. Ang cute niya nga eh. Isa talaga siyang nakasimangot