CHAPTER SEVENTEEN THE STORY OF MY LIFE ELSA WOW! Isang salita lang ang nasabi ko noong tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng flower farm. Literal na paraiso dahil sa sobrang ganda. Napakaganda! Sobrang ganda. Ang flower farm na ito ay yung parang nakikita ko sa mga magazine at mga palabas sa telebisyon. Yun bang napakaraming bulaklak tapos ay magtatakbuhan yung bidang lalaki at bidang babae palapit sa isa’t isa tapos may mga butterflies na magsisiliparan tapos ang ganda ng view. Ganoon yung flower farm. Ang lakas maka movie scene ang itsura. Hindi rin gaano mainit hindi gaya sa labas dahil napakaraming puno. Sobrang presko ng hangin na para bang gusto ko nalang manirahan dito kasi nga ang ganda. Lakas talaga ni Mother Nature, ang ganda ng ambiance. “Ang ganda naman dito,” t