CHATER ELEVEN TONYO AKO NA ATA ang pinakamasayang nilalang noong umamin ako kay Elsa. Hindi pa man siya nagsasabi ng desisyon niya ay ramdam na ramdam kong unti unti na siyang nagiging mabait sa akin. Oo, kaunti lang. Hindi na ata matatanggal ang pagiging brutal at masungit niya pagdating sa akin. Okay lang, mahal ko naman. Nyay! “Paki ayos naman nung upuan sa may gilid tapos pakipasok sa may loob ng kwarto yung sira. Andyan oh sa may gilid, yang dalawang upuan na yan,” seryosong sabi niya habang itinuturo ang upuan na sinasabi niya. Tumango lang ako bago kumilos. Hindi na ako nagsalita kasi baka mabanas na naman siya, mapalayas pa ako ng wala sa oras. Siya na nga lang stress reliever ko eh mapapalayas pa ako. Supposed to be ay natutulog ako para makabawi ng lakas pero hindi ko ba al