Chapter Fourteen ELSA “LUNCH NA MUNA. Mamaya na yan,” tinignan ko si Tonyo noong inilapag niya ang isang kulay blue na lunch box at isang maliit pa na lalagyan na kulay green naman sa harapan ko. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen saka ko siya tignan. Nakasuot siya ng isang plain white shirt at shorts na kulay dark blue. Medyo magulo ang maitim na maitim niyang buhok. Hindi gaya kahapon, hindi yon naka brush up. Parang nagpunas lang siya ng buhok tapos konting suklay niya okay na. Halatang halata pa nga na basa eh. “Tonyo?” kumunot ang noo ko habang nagsalita. Napaka obvious naman na si tonyo nga yon pero syempre sinabi ko pa rin yon para naman maisip niyang hindi ko siya inexpect na dumating kahit na alam na alam kong pupunta naman siya ngayon dito. Ayoko lang ipahalata na iniisip