CHAPTER EIGHTEEN TONYO “MASTER bakit mo ba ako dinala rito? Pahinga day ngayong umaga eh. Pahinga. Rest. R-e-s-t,” naiiritang sabi ni Jerome sa akin. Ini-spell niya pa nga ang rest na akala niya bobo ako. Pero hindi ko nalang siya pinakinggan. Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad, lumingon lingon ako sa paligid. “Master uy… puwede namang bukas nalang natin to gawin. Sakto naman wala tayong pasok. Off natin. Tapos wala rin akong date sa umaga, sa gabi lang. Ang dami nating time!,” daldal niya pa. Huminto ako sa paglalakad. Dahil doon ay nauntog siya sa likuran ko, kung saan saan kasi lumilingon eh. If I know tumitingin lang yan sa mga babae. “Kaya nga natin to ginagawa kasi kailangan na to bukas. Urgent to,” sabi ko pagkaharap na pagkaharap ko sakanya. “Aray ko. Tigas naman ng liko