Chapter Five

2760 Words
CHAPTER FIVE TONYO NAISIP niyo na ba ang mga bagay na sobrang nakakapagpahirap sainyo? Na kahit anong gawin niyo ay hindi niyo iyon kailanman matatakasan? Na kahit anong iwas niyo ay talagang mangyayari pa rin? Ako kase ganon. Hay, ang hirap maging gwapo. Pasensya na. Iniiwasan at pinipigilan ko naman. Hindi na nga ako masyadong nag-aayos pero wala eh, given talaga. Pati sa natutulog ako ay iyon nalang ang napapanaginipan ko. Hinahabol ako ng sandamakmak na mga babae. Nakakatakot! "Nurse Calaunan," paliko na sana ako noong may nagtawag sa akin. "Oh, Nurse Percy bakit?" "Ah ano.. diba papunta ka sa ICU?" sabi niya. Ang lapad ng ngiti niya more on nagpapabebe siya. Hindi na bago ang ganyang reaction na nakukuha ko sa kababaihan. Kaya naman alam na alam ko na. Hays, sinasabi ko naman sainyo, gwapo eh. Given na yon. Hays, pogi problems. "Ah oo. Bakit?" sagot ko. Kahit naman gusto ko siyang sungitan ay hindi ko ginawa. Wala ako sa mood magsungit, bukas nalang. "Puwede bang pasabay? Sa Pedia kasi ako at same lang naman tayo ng dadaanan," sabi niya. Pumula ang kanyang pisngi. Nagbla-blush siya. Sa ibang babae natural na yan. Pero sa isang babae hindi ata uubra ang pagiging pogi ko. Kaya naman kapag may nakikita akong mga babaeng naiinlove or nagkakaroon ng pagkagusto sa akin ay napapa 'sana all' nalang ako para kay Elsa. Ang tigas ng puso niya. Kasing tigas ng bato ay mali, mas matigas pa sa bato at semento. Kapag kinakausap ko naman daig ko pa may ketong dahil sa pag-iwas niya. Minsan nga napipilitan lang yun makipag-usap sa akin. Kapag ganon pa ay parang bubuga pa ng apoy. Siya ata ang long lost cousins ng mga dinosaurs at dragons. Hay ako nalang ang magsasabi ng nawa'y lahat talaga para kay Elsa. Ano kayang gagawin ko don? Kailangan ko pa bang gumulong sa putik? Kumain ng lupa? Lumuha ng dugo? Para lang mapansin niya ako-- napapansin niya naman ako eh kaso mga pre laging highblood. Pero kahit na ganon ay gustong gusto ko siyang naiinis at nagagalit sa akin. Gustong gusto ko siyang asarin. Dahil sa pang-aasar ko sakanya, napapansin niya ako. Ewan ko ba, gusto ko yung binibigyan ako ni Elsa ng oras at atensyon. "Nurse Calaunan?" "Ha? May sinasabi ka?" Pasensya na isa ito sa mga kahinaan ng pogi, ang mag space out. "Ang sabi ko, tara na?" Tumango ako bago nagsimulang maglakad. Hay, puwede naman kasi siyang maglakad mag isa. Pero sabagay, chance niya na to para makasama ako. Hays again, pogi problems. Habang naglalakad kami ay panay sulyap si Percy sa akin. Bakit siya ganyan? Mukha ba akong si Jackson na gusto niyang makatuluyan? Pagkatapos gagawa kami ng couple name at ang resulta nun ay Percy Jackson? Foul yon mga brad. Hindi ako isang movie. Baka makidlatan pa ako ni Zeus at ilunod ni Poseidon. "May sasabihin ka?" Hindi na ako nakatiis at tinanong ko na. Hindi ako kumportable eh. Panay sulyap kasi siya. May uling ba ako sa mukha or sadyang pogi lang talaga ako at hindi niya maalis tingin niya sa akin? Matunaw ako niyan eh. Hays. Ahhhh, tng*na. Pogi problems. "Ano.. kasi.." tumigil kami sa may pedia ward. Nakapamulsa ako. Hindi pa ako umaalis kasi hinihintay ko pa ang sasabihin niya. Hindi naman ako bastos na aalis nalang kung may sinasabi pa yung tao. "Ano yun?" Bakit ba ganito ang mga babae? Ang daming segway, hindi ba niya puwedeng sabihin nalang agad? Sabagay, baka shy type lang. "Kasi ano.. napagdesisyon ko na ano.." paused. "Kung puwede ay liligawan sana kita?" Napanganga ako sa sinabi niya. Alam ko namang pogi ako mga brad at madaming may gusto at umaamin sa akin. Pero nakakagulat pa rin talaga kapag narinig mo silang nag confess. Hindi na kase ito bago sa akin. May mga nauna pa sakanyang umamin at nagsabi ng ganyan. Eh kaso mga brad, hindi ko feel. "Gusto kasi kita. Kaya naisipan kong ako nalang ang mag first move," sabi niya pa. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi naman sa masama ang mag first move. Sa katunayan ay bilib ako sa mga babaeng ganyan. Ang tatapang. Pero kasi, isang babae lang ang gusto ko. Oo, pilyo at loko-loko ako pero hindi naman ako yung tipo ng lalaking kapag may nagkagusto sa akin ay papatulan ko na agad. Maliban nalang kung si Elsa yon. G na G tayo don. "Kasi ano Percy eh," paano ko ba to sasabihin? Ahhh basta, bahala na. "Ano yun? Gusto mo ba dapat private lang? Ayaw mo bang maging open sa iba? Oh sige okay lang sa akin," pucha nakangiti pa siya mga brad. Hindi niya ba nararamdaman na ire-reject ko siya? "Yun na nga ang problema Percy, hindi kasi kita gusto," nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Sino bang hindi magugulat kung nareject ka tapos crush mo pa yung nang reject sayo? "Do you find me ugly?" Luh, bigla siyang nagalit mga pre. Bakit ba ganito mga babae? Paiba iba ang mood. Gago, malamang nagalit. Ni reject ko nga pala. "Hindi naman sa hindi ka maganda pero kasi hindi kita gust--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko noong bigla niya akong sinampal mga brad. Pucha ang hapdi pa ng sampal. Awit. "Useless lang pagpapapansin ko sayo!" Sigaw niya tapos mabilis na binuksan ang pintuan sa pedia ward tapos sinarado agad. "Oh bakit sinabi ko bang magpapansin ka sakin? Pucha sakit," hawak hawak ko ang pisngi kong sinampal niya. Tip galing sa pogi, lagi ka talagang nasasampal kapag nangre reject ka. Pero kasalanan ba yun? Eh sa hindi ko naman talaga siya gusto. Imbes na magbulong ng kung ano ano ay dumiretso na ako sa ICU. Hinatid ko pa sa pedia ward ang babaeng yon tapos nasampal lang ako. Aguy, awiiiiit. Noong makarating sa ICU ay ibinaba ko ang bag ko doon sa may upuan na andon. Nagpalit ako. Noong masigurado kong maayos na ay pumasok ako sa loob para maicheck ang vital signs ng pasyente. Okay naman ang lahat. Napabuntong hininga ako. Another patient na naman na dapat alagaan. Don't get me wrong ha. Hindi ako nagrereklamo na may inaalagan kaming pasyente rito sa ICU. Pero kasi kapag nakikita mo silang nahihirapan at nanghihina masakit sa mata at puso. Hinihiling ko na sana ay walang ma-ICU na pasyente. Hindi lang kasi kami ang mahihirapan kundi mas lalo na ang pamilya nila. Nakakatakot. Noong masigurado kong okay ang vitals ng pasyente ay lumabas na ako. Every after 3 hours kasi namin chinecheck ang pasyente. Depende nalang kung anong utos ng doktor. Minsan kasi ay every after 2 hours or 5 hours mga ganon ba. Pa-iba iba. Depende nalang sa pasyente at sa utos ng doctor. Habang naghihintay ng oras ay umupo muna ako sa mono block. Gusto kong maglaro ng ML kaso no games at work ako. Imbes na maglaro ay nag-isip nalang ako ng mga paraan para mapa amo ko si Elsa. Mas malala pa ang katigasan niya sa puso yun kesa sa mga bato dito sa Earth. Hindi ko pinagtri-tripan si Elsa. Aware akong may anak na siya at dahil doon ay mas lalo ko pa siyang nagustuhan. Ay teka erase erase, mahal ko na ata. Ang pagpupursigi niya magtrabaho at ang determinasyon niya para lang mabigyan ng magandang buhay ang anak niya ay isang malaking turn on sa akin. Ayoko yung mga babaeng paganda at arte lang ang alam. Kung magkakaroon kami ng pamilya anong ipapakain niya sa mga anak namin? Make up? Kaartehan? Ayoko ng ganun mga brad. Hindi naman sa against ako sa make up. Okay lang mag make up mga brad. Para sa mga babae, nakakataas ng confidence level nila yun. Ang ayoko lang ay yung nasobrahan sa make up. Dahil sa sobrang make up ay naging clown na. May children's birthday party ba? Awit. Si Elsa? Ang simple. Hindi nagme- make up yun eh. Mas gusto pa nun magluto ng pansit at magtrabaho. Ahhh, napaka ideal type niya talaga for my future wife. Pero paano to? Eh pinaglihi ata yun sa galit at sama ng loob kapag nakikita ako. Parang gusto na nga akong patayin nun. Kidnappin ko ba siya tapos pupunta kami sa lugar kung saan hindi siya makakatakas tapos saka ko lang siya iuuwi kung may nararadaman na siya sa akin? Mali yon. Sa movies, w*****d at dreame lang yon nangyayari. Bawal nga pala yon. Paano na trabaho ko? Baka nga ipakulong pa ako. Ahhh, tng*na. Pogi problems. "Anyare sayo?" napatingin ako kay Jerome. Kasama ko sa night shift. "Wala brad," sabi ko. Ano yon sasabihin kong problema ko si Elsa? Baka nga kantyawan niya pa ako. "Narinig ko yung nangyari sa pedia ah. Grabe pumayag kang ginaganon ka lang?" humagalpak siya ng tawa. Napasimangot ako bago ko siya binatukan. "Gago. Alangan namang sampalin ko rin pabalik eh babae yun at anong magagawa ko eh ayoko nga yung tao. Mas mabuti naman na yung sinabi kong ayoko siya kesa naman paasahin ko pa. Mas masama yun brad," humilig ako sa mono block. Waiting game kami rito. Countdown to three hours. Road to three hours, bahala na kayo kung anong tawag dito basta hinihintay namin matapos ang three hours. "Tama yan brad. Naks! Napaka good boy mo naman," tinapik pa ako sa balikat. Ngumiti ako. Hindi man halata pero good boy talaga to. Hindi lang talaga as in halata. "Babae sila brad eh. Hindi naman puwedeng lokohin at paglaruan sila. Porket may gusto sayo yung tao eh gagamitin mo yun. Ayoko nun. Napaka gago nun," paliwanag ko. Ang ayoko sa lahat ay yung mga lalaking ang kakapal ng mukha. Yun bang manggagamit. Porket alam nilang gusto sila ay gagamitin nila yon para manakit. May mga babae rin sa angkan namin kaya hinding hindi ako nagloloko. Tanong niyo pa sa mga ex ko. Pakiramdam ko kasi kapag ginawa ko sa babae ang manloko ay para ko na ring ginawa sa mga babae sa pamilya namin yon. "Hindi naman kasi magandang magloko. Kung ayaw mo dun sa tao at hindi ka na masaya. Alis na. Exit na. Di yung pinapatagal mo pa," bumuntong hininga ako. "Naks. Ikaw na good boy," tumawa si Jerome. Palibhasa kasi chick boy to eh. Makarma to tignan natin. Gugulong to sa lupa at iiyak ng dugo. "Oo nga. Kaya ikaw tumigil ka na sa pagiging chick boy mo. Hindi ka naman manok," sabi ko bago inayos ang gloves sa kamay. "Enjoy kaya! Saka alam naman nila ang tunay na namamagitan sa amin. Alam na alam nila ang pinasok nila," seryoso ba to? Tusukin ko kaya to ng injection tapos kapag umaray at magreklamo dahil sa sakit ng injection sabihin ko alam naman niyang masakit ang injection bakit siya aaray at magrereklamo?! "Tsk, makarma ka jan. Kapag ikaw naloko ng babae tatawanan talaga kita," seryosong sabi ko. Tusukin ko to ng injection eh. "Akala ko talaga chismis lang yung sa pedia totoo pala. Nasampal pala talaga ang isang Antonio Calaunan," tumawa pa siya ng malakas. Sa sobrang lakas ay kinailangan ko pa siyang suntukin sa braso para tumigil. "Tigil. Baka magising ang pasyente," paninita ko sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi ang 'seryoso ka brad?' "Edi nice! Atlast, nagising na siya. Hindi na siya coma." Miski ako ay hindi ko na maiwasang hindi tumawa. Oo nga pala, na comatose pala ang pasyente. Ang bobo ko naman. Hays, pogi problems. Patawa tawa lang kami pero deep inside pinagdadasal namin na sana magising na nga ang pasyente. Hindi dahil nagrereklamo kami pero syempre kahit naman sino ay gugustuhin nilang magising na ang pasyente nila. The more na tumatagal silang naka coma ay the more na nakakatakot. May chance kasi na baka hindi na sila magising at worst, mamatay nalang sila bigla. "Hays. Kelan kaya mangyayari ang walang pasyente dito sa ICU?" Tanong ni Jerome. Ang kasagutan ay hindi ko alam kaya tumahimik nalang ako. "Kung ako ang tatanungin hindi naman ako nagrereklamo. Gustong gusto ko pa sila alagaan pero ang hirap sa part ng mga pamilya nila. Nagagawa pa kaya nila matulog knowing na nasa ICU mahal nila sa buhay? Hirap no?" Tumango ako bago nagsalita, "Wala naman kasi tayong magagawa brad. Ganito talaga ang buhay. Minsan ko na ngang hiniling na sana ay wala ng malagay sa ICU. Alam kasi natin ang hirap na pinagdadaanan ng mga pasyente. Kung puwede nga lang may gamot tayong ituturok para magising na sila agad. Pero wala eh," nagpakawala ako ng buntong hininga. Minsan talaga mapapamura ka nalang. Mapapatanong ka kung bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Bakit ba may ICU pa? Bakit may mga taong naco-comatose? Pero ganon talaga ang buhay. "That's life. It's not always perfect." Sabay kaming napatingin sa babaeng doctor na pumasok. "Magandang gabi doc," bati ko sakanya. Siya si Doctora Beatrice Vrox. Ang sosyal ng pangalan. RK eh. "Magandang gabi rin. Just doing my rounds and Doc Pio asked me to check the patient here. Excuse me." Sabi ko naman sainyo. Rk. Englishera. Sana all english. Ako kasi tamang english lang if necessary. Hehe. "Hoy," tinapik ko si Jerome. Gusto kong matawa sa itsura niya. Napatigil ang gago. Mukhang na freeze. "Ha?" mukha siyang wala sa sarili at halata pa ang pag nganga niya. "Laway mo tumutulo. Napaghahalataan," sabi ko sakanya sabay tawa. "Hang ganda niya," sabi niya tapos ngumisi pa. Tsk, mukhang may maakit si doc. "Gago. Bawal yan. Bawal yan," sabi ko sakanya at tumawa lang siya. Itong si Jerome talaga minsan walang sinasanto eh. Halos lahat ata ng nurse rito naging ka fling na niya. Hindi man lang mag set ng boundaries. Gaya nga ng sabi niya fling lang naman. Pustahan sasabihin niya na naman yan. "Ano ka ba naman brad. Blessing kaya yun. Dumating na blessing kay Lord na dapat i-appreciate at saka fling lang naman," ngumisi siya. Kitang kita ko ang pagpalakpak niya. Mukha siyang seal. Kita niyo na. Fling lang naman. Suntukin ko kaya to tapos sabihin ko ay nadulas? KANINA PA nakaalis ang dalawa. Oo dalawa, si Doc Vrox at si Jerome. Ang gago sabi niya bibili lang daw ng kape sa canteen pero alam ko namang rason niya lang yon. 6pm to 6am shift ko. Alas onse na. Kung sa ibang tao ay tulog na sila, kami ay gising na gising pa. Gaya nga ng sabi ni Katty Pery, I'm wide awake. Actually pang morning sana ako pero dahil sobrang na excite ako sa pagtratrabaho ay sinabi ko kay superior na night shift nalang ako. Ayun, pumayag naman. Nag congrats pa nga siya kase napaka determinado kong nurse. Ipagpatuloy ko lang daw ang ganitong ugali. Pabibong nurse rin kasi ako. Awit. Noong unang gabi ay sobrang nawindang ako. Hindi pa ata nakapag adjust katawan ko kaya naman manga alas dyes palang ng gabi ay inaantok na ako. Naaalala ko pa nun kamuntikan na akong masisante. Ilang beses na kasi akong nahuling natutulog imbes na magbantay. Pero syempre ngayon ay sanay na ako. Nasanay na ako. Nag-iba na rin ang body clock ko. At noong maka witness ako ng pagkamatay ng isang batang nacoma ay doon talaga ako nagising. Hindi joke joke ang night shift at mas lalong hindi puwedeng matulog kasi buhay ang binabantayan namin. Kaya sa mga kapwa ko nurse jan ay sobrang saludo ako sainyo. Hindi lang pamilya ang inaalagaan niyo kundi maging ang mga pasyente niyong hindi niyo kadugo. Oo, duty nating alagaan ang mga pasyente pero iba pa rin kapag inaalagaan sila with love and care. Hindi lang basta responsibility ang nanaig pati na rin ang pagiging mabuting tao natin. "Brad, kape oh," napatingin ako kay Jerome. Nakabalik na siya at may hawak na kape sa isang kamay habang yung isa ay nasa harapan ko. "Salamat," sabi ko bago tinanggap. Naisip ko na naman si Elsa dahil sa kape. Kamuntikan niya akong sabuyan ng mainit na kape noon eh. Nagpatimpla kasi ako noon ng kape pero noong nakatimpla na siya ay sabi ko maggagatas nalang pala ako. Ayun, naging highblood na dinosaur at kamuntikan akong mapaso. Mabuti nalang talaga at mabilis ako gumalaw at nakaiwas. Natawa ako noong maalala ko yon. Tinignan ako ni Jerome sa nagtatanong na mata. "Nakakatawa?" "Si Elsa kasi naalala ko dahil sa kape," sabi ko sabay inom ng kape. Ahhh, sarap sa lalamunan. "Sus, hindi lang naman sa kape eh. Halos lahat ng bagay naaalala mo siya," nasamid ako dahil sa sinabi ni Jerome. Pasmado bibig neto ah. "Foul yan brad," naiiling na sabi ko. "Anong foul? Facts yon." "Ewan ko sayo." End of chapter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD