Chapter Four

2363 Words
CHAPTER FOUR ELSA "ATE, iaayos ko na po ba ang ihawan?" narinig kong tanong ni Lina. Pasado alas kwatro na at alam kong mamaya maya ay dadami na ang mga taong maghahanap ng mga street foods. "Oo Lina," sagot ko sakanya. Nandito ako sa kaha, nakaupo at hawak ko ang cellphone kong keypad. Hindi naman sa wala akong pambili ng mga cellphone na touch screen. Sadyang ayoko lang bumili kasi hindi naman ako mahilig sa mga social media. Basta ang importante sa akin ay nakakatext at nakakatawag ako, okay na yon. Pinindot ko ang call button noong makita ko ang pangalan ni Nay Nina. Baka kasi ay abutin na ako ng alas-otso mamaya. Minsan kapag sobrang late na ako umuwi ay kila Nay Nina na kami natutulog. Tuwang tuwa naman siya dahil may kasama siyang natutulog. Byuda na kasi siya at ang mga anak niya naman ay nasa iba't ibang panig ng mundo. Ayaw niya raw kasing sumama sakanila kahit na inaaya pa siya. Hindi na daw maiwan-iwan ang pilipinas lalo na ang bahay niya kasi iyon nalang daw ang alaala niya sa asawa niya. Convo: call [ Hello Elsa. Napatawag ka? ] "Hello Nay. Baka po kasi gabihin ako dahil madaming kumakain dito sa karinderya. Pakibantayan nalang po si Jay-ar. Saka nay baka jan na rin po kami matulog mamaya. Pasensya na talaga Nay," sabi ko. Kahit alam ko namang napakabait at napakainit ng pagtanggap ni Nay Nina sa amin ay syempre hindi ko pa rin iyon puwedeng abusuhin. Gaya nga ng sabi nila, wag dapat abusuhin ang kabaitan ng isang tao. Lahat may limitasyon at hindi naman sa lahat ng oras ay puwede na lahat. [ Oh siya sige. Mag-iingat ka. Oo, dito nalang kayo matulog walang problema. Atsaka tumigil ka na kakahingi ng pasensya alam mo namang gustong-gusto ko kayong andito ni Jay-ar. Para ko na kayong pamilya. ] Gumaan ang pakiramdam ko. Napakaswerte talaga namin ni Jay-ar. Kahit noong meron pa si Jack ay ganyan rin si Nay Nina at hanggang ngayong kami nalang dalawa ni Jay-ar ay hindi niya kami iniwan. Sa lahat ng tao si Nay Nina ang nakakakilala sa akin. Siya ang nakakita sa mga bagay na hindi nakikita ng iba. Siya ang nakakita sa pinaka lowest point ko sa buhay. Siya rin ang tumulong sa akin sa lahat ng bagay. Siya ang naging nanay ko na hindi ko naman talaga kadugo. Pero naniniwala naman akong family is not only measure by blood. Meron nga jan na magpapamilya nga sila pero mas malala pa sa gyera sa Marawi ang alitan. Parang hindi pamilya ang turingan dahil nagsisiraan. "Maraming salamat po nay," ngumiti ako. Kung wala si Nay Nina ay tiyak na mahihirapan ako. Ang pag-aalaga na nga lang kay Jay-ar ay napakalaking tulong na yun. [ Oh siya sige. Mag-iingat ka jan. Tumawag ka kung pauwi ka na. ] "Opo nay," saka ko pinatay ang cellphone ko. Ibinulsa ko ang aking cellphone at inayos ko ang mga pagkain. Kapag mga ganitong oras kasi ay mas mabenta ang streetfoods kesa sa pansit at lomi at mga lutong ulam. Mas gusto ng mga tao rito ang streetfoods. "Borg, baka gabihin tayo rito. Nagpaalam ka na ba sa asawa mo?" tanong ko kay Borg pagkapasok ko sa kusina. Kinukuha ko na kasi ang mga streetfoods. Natakpan iyon at nakalagay sa isang malinis na lalagyan. Kung meron mang isang bagay na ayaw na ayaw ko, iyon ay ang pagiging marumi at dugyot. Mapa pagkain man or sa paligid. Alam nila Lina yon kaya naman sa loob ng karinderya ay wala kang makikitang kalat kasi sa bawat sulok ay may basurahan. May mga nakapaskil rin sa dingding na nagsasabing 'dito magtapon' para hindi makalimutan ng mga kumakain ang itapon sa tamang basurahan ang kanilang mga kalat. "Yes madam. Nakapagpaalam na po," sumaludo pa siya sa akin. Tumawa lang ako. Saludo rin ako kay Borg. Napaka faithful at napaka responsableng ama. Iilan nalang ang mga ganyang klaseng lalaki. Yung iba kasi ay imbes na maging responsable ay tinatakbuhan pa ang mga responsilidad at hindi kayang panagutan. Sa pagpapakasarap lang sila magaling pero ang magpaka ama ay tinatakasan nila. Isa pang rason yan kung bakit ayoko na ring magmahal pang muli. May mga lalaking ang habol lang sa isang babae ay s*x lang at hindi alam ang salitang responsibilidad. Sa kaso ko na single mother ay hindi maipagkakailang madaming lalaki talagang sumubok para magpapansin sa akin. Lahat sila ay hindi ko pinansin. At oo, kasali na si Tonyo don. And speaking of Tonyo. "Honeeeeyyyyy my loveeee so sweeettttt~" Gustong gusto kong lagyan ng busalan ang bunganga niya at lagyan tape ang kanyang bunganga dahil sa pagsisigaw. Si Lina na nasa tabi ko ay tumawa pa. Pinandilatan ko lang siya at tumigil sa pagtawa, ay mali, nagpigil ng tawa habang pinagpatuloy niya ang pag-aayos. Ako naman ay tinakpan ang mga pagkain sa mesa. Inayos ko rin ang lalagyan ng balot. "Ano na naman bang gusto mong mangyari ha?" masungit kong tanong. Nasa harapan namin siya ni Lina. Nakasuot na rin siya ng damit niyang pang nurse. All white pa yon. Eh kung hagisan ko kaya siya ng uling? "Wala naman. Magpapaalam lang ako. May pasok na kasi ako mamayang alas sais. Hehe," sabi niya at nagkamot pa ng batok. Kita niyo na? Sabi ko naman sainyo, sasabihin niya sa akin kung papasok na siya sa trabaho. Ewan ko ba sakanya kung bakit niya ginagawa yon. "Pakialam ko naman," nakapameywang kong sabi. Nakita ko ang pagnganga niya. Tumalikod siya. Nagkatinginan lang kami ni Lina at nagkibit balikat. Sinindihan ko ang ihawan at kinuha ang pamaypay. Nasa kalagitnaan ako ng pagpaypay ng biglang humarap si Tonyo. Ay andyan pa pala siya? "Grabe ka naman mahal kong Elsa," nakahawak ang kanyang kamay sa dibdib niya na akala mo naman ay nasaksak. Umakto pa siyang umiiyak. May pa heart sign siya tapos ginagawa niyang nasira ang heart. Ah basta ina action niya yung broken na heart. "Puwede ba Tonyo tigilan mo ako," iwinagayway ko pa ang pamaypay sa harap namin na para bang pinapaalis ko siya. Totoo naman kasing pinaalis ko siya. "Ito naman wala pang alas sais eh!" pagmamaktol niyang parang bata. Imbes na umalis siya ay umikot siya at nagpunta sa likod namin ni Lina. Umupo siya sa may mono block na nasa likod namin ni Lina. Doon kasi kami umuupo habang binabantayan ang ihawan at ang gagong lalaki ay nakaupo na doon. Wow, kasali siya sa nagbebenta?! "Lumayas ka jan. Madaming upuan sa loob. Hindi ka puwede jan. Hindi ka naman nagtratrabaho rito kasi sa ospital ka nagtra trabaho. Shoo alis," ibinigay ko kay Lina ang pamaypay na agad naman niyang tinanggap. Kapag ito talaga ayaw umalis hahagisan ko na talaga to ng uling. "Ayoko nga. Hindi nagtratrabaho? Oh edi magtrabaho para maging part ng grupo," ngumisi siya bago tumayo at ibinaba ang bag na nasa likod niya sa may mono block. Nagtataka ko siyang tinignan. Ano na naman bang trip ng isang to? Nurse ba to or nakatakas sa mental? "BILI NA PO KAYO!! BBQ IN YOUR AREAAAAAA." Kamuntikan na akong matumba sa kinatatayuan dahil sa pagsigaw ni Tonyo. I am shock, okay. Pero hindi lang ako ang na shock kung hindi pati na rin ang mga taong nasa paligid. Si Lina ay humagalpak ng tawa habang ako ay gusto ng magpalamon ng lupa dahil sa kahihiyan. Jusko ano bang iniisip ng lalaking to? "Uy Ate, gusto mo makahanap ng forever?" tanong niya sa mga grupo ng teenagers na naglalakad. Nakita kong nagningning ang mga mata ng mga teenagers at napatitig kay Tonyo. Makulit si Tonyo pero may maibubuga siya sa pakisigan at pagwapuhan pero sorry siya kasi kahit anong kulit niya at pagpapapansin sa akin ay wala talaga siyang pag-asa. Ekis siya. No, no, no. Lagi ko siyang tinatanggihan pero ewan ko ba ayaw niya akong tigilan. "Opo kuya. Opo!" masiglang sigaw ng mga kababaihan. Halata ang kilig at saya sa kanila. Nagbalik ang atensyon ko sakanilang apat. Oo apat sila. Tatlong teenagers at si Tonyo. Ano bang pinagsasabi nitong mokong na to. Wag lang talaga niya masira ang imahe ng karinderya at barbecuehan ko baka matusok ko siya ng stick ng bbq. Itinuro niya ako or mas maspecific yung ihawan. Nag thumbs up pa siya sa akin. "Bili kayo bbq ng bibi ko! Sure na sure na magkakaroon kayo ng forever!" "Talaga kuya?! Sige po sige po!" Nag-unahan silang pumunta sa direksyon ng ihawan. Inihanda ko ang isang ngiti. Gaya nga ng sabi ko, ngiti para maramdaman ng customer na maganda ang atmosphere. "Anong sainyo?" nakangiti kong sabi. Nag-unahan sila at natawa ako. Hay mga teenagers talaga. Noong nasa edad nila ako ay ganyan rin ako. Naniniwala sa forever. Pero ngayong naranasan ko na ang pait ng pagmamahal ay masasabi kong, walang forever. "Ate ito po, lima po dito tapos ito naman po tatlo. Uy Chelsea kayo?" "Kung ano nalang rin yung sayo. Basta magkaroon lang ng forever." "Yung akin po ate eh tatlong ganun po. Pareho raw ho kami eh," sabi nung batang may maiksing buhok. Tumango lang ako bago kinuha ang mga inorder nila at ibinigay kay Lina para maihaw na niya. "Puwede kayong pumasok sa loob para makaupo habang hinihintay niyo ang mga binili niyo. Pasensya na, wala na kasing mauupuan rito sa labas," nakangiti kong sabi sabay turo sa loob ng karinderya. Nakita kong ngumiti sila bago pumasok. "Thank you po ate." Tinanguan ko lang sila. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap at halos nabilaukan ako ng laway ko noong makita ko si Tonyo sa harapan ko. Medyo nakayuko pa siya. Kung gagalaw ako ay baka magkahalikan na kami. Kaya imbes na gumalaw ang katawan ko ay ang kamay ko na lamang ang pinagalaw ko saka ko siya piningot sa tenga. "Aray! Aray! Araaayyyy honeyyy my loveee so sweeeettt," sabi niya. Noong marinig ko ang sinabi niya ay mas lalo ko pa siyang piningot. Noong makuntento ako ay binitawan ko ang tenga niya at agad na dumistansya. "Ayan ang napapala mo! Bakit ang lapit lapit mo ha!? Manyak to!" singhal ko sakanya. Nakita kong hawak niya ang tenga niya. "Grabe, ang lakas mo naman magmahal Elsa ko. Saka bakit masama ba kapag gusto kitang halikan ah!" hawak niya pa rin ang tenga niya at nakanguso pa siya. Para siyang batang pinagdamutan ng leche flan. Eh leche pala siya eh! "Saka hindi ka ba magpapasalamat? Ang daming customers oh! Tapos may na recruit pa akong bumili," ngiti ngiti siya sa akin at nag thumbs up pa na para bang nakaisip siya ng napaka talinong ideya. "Anong na recruit?! Drug dealer ka ba ha? Gago. Saka dati ng madaming kumakain dito kahit hindi ka magtawag madaming kakain rito," kumuha ako ng stick sabay bato sakanya at ang mokong ang bilis umiwas. "Eh hindi na then na recruit. Na convince nalang!" "Gago front row ka ba ah? Front row? Anong na convince?!" "Anong connect ng Frontrow doon? Open minded ka ba ang Frontrow eh. Elsa ko naman!" "Gago!" Mabuti nalang talaga at nasa labas kami at hindi lang kami ang maingay. May mga nagkwekwentuhan sa labas eh. May mga upuan naman sa labas pero lahat yon may nakaupo at kumakain sila ng lomi o di naman kaya pansit at street foods. "Pumasok ka na nga at lumayas ka na rito. Bawal ang malas dito!" "Wala pa ngang alas sais! At excuse me, pampaswerte ang poging katulad ko!" "Oh eh pakialam ko naman!" sabi ko habang inaayos sa supot ang kinuha noong mga teenagers kanina. "Ganyan ka naman walang pakialam. Awts gege," sabi niya sabay punas pa sa gilid ng mata niya na akala mo naman may luha talaga. Napailing ako sa ginawa niya at pumasok sa loob para ibigay sa mga teenager yung kinuha nila. "Maraming salamat ate. Babalik po kami." "Maraming salamat din. Ingat kayo," nakangiti kong sabi. Umalis na sila pagkatapos kong iabot ang sukli nila. Hindi ko maiwasang ngumiti. Bumalik ako sa ihawan at napataas ang kilay ko noong makita ko si Tonyo na nakasuot ng sando na white at nag iihaw habang si Lina ang nag-aayos ng mga takip ng mga betamax at ang iba pang street foods. Napataas ang kilay ko. Lumapit ako kay Lina. "Ate, ayaw paawat eh. Gusto ka daw maimpress edi ayan binigay ko nalang." Ah, ang kulit naman ng isang to. Tinignan ko ang mono block kung saan niya inilapag ang bag niya kanina at tama nga ako andon ang uniporme niyang hinubad niya. Napabuntong hininga nalang ako. "Ako na jan. Tabi ka nga," sabi ko noong nasa gilid niya na ako. Nakita kong tinignan niya lang ako saglit bago ibinaliktad ang isang paa ng manok. "Ako na. Saka rest rest ka rin Elsa ko. May mga kulay itim ka sa ilalim ng mga mata mo. Hindi ka natutulog ng maayos no?" seryoso na siya this time. Walang bahid ng kakulitan at kapilyuhan ang boses niya. "Kailangan kong kumayod. Saka natutulog ako," sabi ko bago ko hinablot ang pamaypay at mahina ko siyang itinulak kasi kung lalakasan ko ay baka matapon sa amin itong uling na nasa ihawan. Edi sunog at paso abot namin. "Kung sinagot mo na sana ako eh di hindi ka na mahihirapan. Dalawa na tayong kakayod para may pera tapos aalagaan pa kita oh. Yieee," tinusok tusok niya pa ang bewang ko. Nagulat ako. Pinalo ko lang siya ng pamaypay. "At bakit naman kita sasagutin?" mataray kong sabi. Inilagay ko sa isang lalagyan ang paa ng manok na luto na bago ibinigay kay Lina. "Lina oh pakibigay." "Kasi gwapo ako!" narinig kong sabi niya. Tumaas lang ang kilay ko bago ko siya hinarap. Napabuntong hininga ako bago naglakad sa direksyon niya at umupo sa katabing mono block. "Gago, hindi lahat ng gwapo puwedeng sagutin kapag nanliligaw at puwede ba Tonyo, tigilan mo ako." Hindi naman kasi porket gwapo ka ay sasagutin ka na agad. Hindi naman porket gwapo ka ay may gana ka ng mag demand na sasagutin ka. Hindi lahat ng gwapo ay responsable. Hindi nakikita sa pang labas na anyo ang isang kabutihan ng tao. Saka hindi nasusukat sa kapogian ang pagmamahal. End of chapter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD