Wala kaming ginawa buong araw kundi lahat nang masasakyan sa karagatan tina-try namin. Nag-scuba diving, nag-jetski, nag-akyatan sa mataas na pader. Wala namang kill joy sa outing na iyon. Sinulit talaga namin bawat segundo, oras na magkasama kaming lahat. Paminsan-minsan, nagkakatagpo ang tingin namin ni Harris, ngunit iyon lang, hindi kami nag-uusap for the past two days. Ako na rin ang umiiwas, dahil na rin naiirita ako sa lumalabas sa bibig niya. Si Rianne ang dikit nang dikit sa kanya, hinahayaan niya naman. Palagi kong naririnig na inaasar silang dalawa, nagtatanong kung sila pa rin ba. Tanging tawa lamang ang sagot ni Rianne sa lahat, si Harris naman as usual walang pake sa naramdaman ng babae, nagkibit balikat lang tapos hindi na sumagot. Isang katanongan tuloy sa