Sa kabila nang mga pinag-uusapan namin ni Harris sa klaseng iyon hindi pa rin ako nagpatinag. Hindi ko na siya kinausap pagkatapos niyang sabihin ang makalaglag puso niyang mga salita. Mabulaklak ang bibig niya at natatakot akong mahulog sa mga kataga niyang hindi niya pinapakitaan nang actions pagdating sa akin. Puno siya ng mga salita, mga magagandang sasabihin pero hindi ko naramdaman kung sincere ba siya o pinagtitripan niya lang ako. Hanggang matapos ang klase lutang ako sa bawat katagang sinabi ni Harris sa akin. Pasalamat na lang ako dahil hindi na siya nangulit pa at hinayaan na lang akong manahimik sa isang tabi. Kung sa bagay may punto naman ako sa rason ko kung bakit hindi ko na siya pinapansin. Ang panget tingnan na hinahayaan niya ang sarili na lamonin sa pagsama sa akin,