Grabe ang naramdaman kong galit nang malaman ang totoo. Hindi ko akalain na inutusan lang pala si Harris para humingi ng paumanhin sa akin. Umasa pa ako na totoo na 'yong mga pinagsasabi niya, umaasa ako na sana hindi ako nanaginip, sana totoo talaga iyong pagsisi niya. Tapos ngayon malalaman ko na pakitang tao lang pala, ginawa niya ang isang bagay kasi kinakailangan, dahil na rin utos ng kapatid ko. Masiyado siyang hambog sa sarili. Hindi niya kailanman naiiisip ang naramdaman ng isang tao, tanging nasa isip niya ay ang kaligayahan niya mismo. Mas lalo lang tuloy nadagdagan ang inis ko sa kanya, walanghiya talaga siya. Walang pusong lalaki. Wala na akong mukhang maihaharap sa lahat, feeling ko sa mga oras na iyon napapahiya lang ako ng todo. I even cried infront of him. Nagsusumamo