JESSY’S POV Nakakita ako ng sinag ng buwan kahit palabog na ang katawan ko sa ilalim ng dagat. Hindi na ako makagalaw at kapos na rin sa paghinga. Parang namanhid na ang buo kong katawan habang pinakatitigan na lamang ang sinag ng buwan na nagrereplek sa gabing madilim. Sa ilalim ng dagat na nagdala sa akin nang pagngiti sa kawalan, hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako ng mapait. Hindi ko akalain na rito na pala magtatapos ang lahat. Dahil lang kay Harris naging ganito ako kahibang. Dahil sa kanya para akong tanga na sumusunod sa kanilang dalawa dito sa kalagitnaan ng dagat. Hindi ko akalain na aabot ako sa ganito. Umabot pa talaga sa puntong malulunod ako dahil sa kahibangan ko mismo. I want to laughed myself but my lips can not strech anymore. All I know, I am worried to m