“Pupunta lang ako saglit sa library para isauli ang mga librong hiniram ni Professor Alarcon. Hintayin mo na lang ako rito Celestine,” ani Elizabeth habang inaayos ang mga libro. Kakatapos lang ng klase kay Mr. Alarcon at ngayon ay vacant period namin. Ten-thirty ang susunod na klase at iyon ay isang oras mula ngayon. “No. I am going to help you, Elizabeth.” Kinuha ko ang dalawa sa apat na malalaking librong hawak niya ngunit mabilis na kinuha niya rin iyon pabalik sa kaniya. “Huwag na. Hindi bagay sa magandang katulad mo ang inuutusan.” Natatawang sagot niya bago nagsimulang maglakad patungo sa pinto. Agad din naman akong sumunod sa kaniya. “Bakit ayaw mong tulungan kita?” I am always willing to help. At saka hindi naman mabigat na gawain ito. Gusto ko rin maranasan iyon dahil kai