“Celestine!” Tumatakbo si Amori papunta sa akin at muntik pa kaming mabuwal pareho nang salubungin niya ako ng isang mahigpit na yakap. Pakiramdam ko’y natunaw ang puso ko dahil doon. “Akala namin kung ano na ang nangyari sa ‘yo. Hikbi niya sa balikat ko. Hinagod ko ang likod niya at pinatahan. “I’m fine, Amori. Ikaw, ayos ka lang ba?” Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at sinuri ang katawan. May maliit na gasgas sa pisngi at ang punit na manggas ng jacket na suot ang nakita ko. Ngayon ay makakahinga na ako nang maluwag sa kaalamang maayos lang silang lahat. “Mabuti na lang at nahanap ka namin dito,” sabi ni Brianna. “Ayos ka lang ba? Wala bang nangyari sa 'yong masama?” Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Inilibot ko ang tingin sa kanila at doon ko lang n