SYNOPSIS / SPECIAL CHAPTER

691 Words
Synopsis An orphanage with hundreds of children. I am one of them, I'm not ashamed of being an orphan girl, because being with them is the most memorable moment in my life. Pero sa dinami-rami ng mga kasamahan ko sa ampunan, may iisang bata na lagi kong kalaro sa bawat pagbisita nito sa ampunan; St. Therese Orphanage managed by Sister Annie. Kaisa-isang kalaro na nagtatiyaga sa pagiging tahimik kong bata. Hindi ako palaimik pero sumasagot naman ako kapag tinatanong niya ako. Lagi niya akong dinadalhan ng regalo sa tuwing sasapit ang kaarawan ko. Nangingiti akong mag-isa habang inaalala ang nakaraang regalong binigay niya sa'kin. Habang tinitignan at hinahaplos itong singsing na na sa aking palasinsingan. He promised me to be with me forever and eternity. Pero sa nakaraang kaarawan ko at sa kasunod pa, wala na akong natatanggap na regalo galing sa kanya. Nakatanaw na lang ako sa papalubog na araw mula rito sa inuupoan kong malawak na talampas. Sa bawat sikat ng araw ay bumubungad sa akin ang paparating na takip-silim. "How I wish to meet you again sooner, Rekk." nagpasya na akong tumayo at babalik sa bahay-ampunan.   Special Scene         I feel something strange today, parang may pumipiga sa utak ko. Sobra-sobra ang sakit na iniinda ko, mukhang ito na yata ang nakukuha ko sa labis na pag-inom nitong mga serbesa. Pero sabi kasi nila hindi naman daw ito nakakasama, pero anong nangyayari sa akin ngayon? Bakit ang sakit?  "Drenna? Drenna? Girls! Si Drenna nag-collapse."  ...        Saan na naman kaya ako dadalhin ng mga barumbadong ito, Sinabi ko nang pass ako ngayon sa pakikipag-party dahil may exam ako bukas. Mapapatay na naman ako nito ni dad.          "Pare, ano ba. Cheer up bro, easy lang naman sa'yo ang exam mo bukas, kaya h'wag ka ng mag-alala." tapik pa nitong sinto-sinto kong kaibigan habang kinikindatan pa 'ko.                     "Cheer up mong mukha mo. Anong akala mo sa'kin matalino? Hoy gago hindi ako kasing talino nila Einstein para makaperfect bukas sa Physics. Kapag talaga ako bumagsak, ipapakatay kita kay dad." pananakot ko naman sa kanya. Pero ang gago tinawanan lang ako.             "Trust---condom." tapik niya sa'kin atsaka tumipon na sa mga iba pa naming kasamahan na nag-iinuman.  Sheesh! Inaliw ko na lang ang at kinalma ang sarili nang may narinig akong sigaw sa bandang kanan ko. Nakita ko ang mga taong nagkukumpulan, hindi ko alam kung bakit parang may humihila sa akin papalapit doon at nakiusyuso.               "Drenna! Naku naman, help naman po. Sino po sa inyo makakapagdala sa kaibigan ko sa hospital---Hey you!" tumingin naman ako sa likod ko at baka may tao siyang kinakausap.               "Ikaw gago! Alam ko may sasakyan ka, buhatin mo kaibigan namin," napanganga na lang ako sa pag-uutos ng babae sa 'kin.  Napanganga na lang ako at napabuga ng hininga. Itinuro ko muna ang sarili atsaka ngumisi.               "Inuutusan mo 'ko?" kausap ko sa kaibigan nitong babaeng nahimatay.  Nakatingin naman sa akin ang mga tao at parang may nagawa akong mali. Para hindi mapahiya ay wala na akong nagawa kung 'di kargahin ang babae at ipasakay sa kotse. Nakita pa ako ng mga kaibigan ko.               "Wow pre. Ang dali mo namang nakabingwit." tukso pa nila sa 'kin. Inismiran ko na lang sila at patuloy na lakad-takbo papuntang parking-area.               Sheesh!                            Nang malapit na sana ako sa kotse ko ay natisod pa ako nitong nakaharang bato sa kalapit sasakyan. Hindi ko na makuha ang balanse dahil sa may karga akong babae.  Iniliko ko ang katawan ko para ang katawan ko na lang ang maibagsak kay sa itong babae pa. Nagpagulong-gulong kami hanggang sa napadilat na lang ako na pumaibabaw sa babae.              Hindi ko naman magawang umalis dahil may kung ano akong naalala sa pagtitig sa mukha niya. Nang marahan niyang naidilat ang kanyang mga mata. At bigla niya akong itinulak ng malakas.              "B-Bastos!" buong-lakas pa niyang sigaw sa akin.  Ibang-iba siya magsalita dahil kahit nakasigaw siya ay malumanay pa rin ito sa pandinig ko.           'Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin.' Hindi ko namalayang wala na pala ang mga babaeng iyon sa harap ko. Sheesh!          "Siya na nga 'tong ginawan ng mabuti, ako pa minasama. Ibang klase rin 'no. Pwe!" gigil kong usal sa sarili.   

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD