ALUMINUM "A-akala ko ba... u-umiinom ka... hik!" napapikit ako nang marinig si Ms. Atria na magsalita. "Uy! Umi... u-uminom ka ah! S-samahan mo ako! Uy..." yung bote na ibinibigay niya sa akin ay wala ng laman, kinuha ko yung bote mula sa kamay niya at nilagay sa ilalim ng mesa. Baka mabasag niya pa eh. "S-sinungaling ka!" humugot ako ng isang buntong hininga nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Apat na oras na kami dito sa bar. Kanina ko pa gustong umalis dahil kanina pa ako tinatawagan ni Sulphur at ng ibang tao sa Hexagon pero hindi ako makabalik dahil ayaw pa umuwi ni Ms. Atria. Nasa gilid na parte ng bar kami pumwesto. Noong mga isang oras pa lang kami dito, hindi pa mapirmi sa isang lugar si Atria. Gusto niyang sumayaw, kausapin ang lahat ng tao, ginusto ni