ANDROMEDA Hindi na ako nakatulog pagkatapos kong bumangon sa higaan. Masyado yatang mahaba ang itinulog ko kaya ni antok sa kalagitnaan ng madaling araw ay hindi ako dinadapuan. Nagsearch lang ako sa internet ng kung ano ano, nagbasa ng libro, nakinig ng music, at iba pa. At hindi ko rin alam kung anong insekto ang dumapo kay Neon at hindi din siya natulog, nagbabasa lang din siya ng libro o dyaryo. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kahit minsan nahuhuli ko siyang napapapikit dahil sa antok, hindi pa rin siya natutulog. Base sa narinig ko kanina ay hindi niya ako papayagang makatakas. Eh teka nga, kelan ba ako tumakas? Sinisikap niya bang hindi makatulog para lang mabantayan ako sakaling tumakas nga ako? Kung itinuturing niyang pagtakas ay nung umalis ako kahapon ng maagan