Kakababa lang ni Kent mula sa 2nd floor nang salubungin siya ni Nana Lory. “Sir, magpapaalam lang po sana ako na pupunta sa palengke dahil konte na lang po ang stocks sa kusina.” Paalam nito sa kanya. “Sige po, walang problema. Nasan po pala si Claire, umalis ba siya? Wala kasi siya sa kwarto niya.” “Naku sir nagbababad po ata sa pool. Baka may hang…hango… basta po yung dahil sa pag inom kagabi.” Anitong nahihiya pang ngumiti sa kanya dahil di masabi ang gustong sabihin. “Ah, ok.” Tatalikod na sana siya rito nang biglang may naisip itanong. “Marami ka bang bibilhin Nana Lory?” “Medyo marami nga, bakit po?.” “Then bring Seli with you para di ka mahirapan.” Matanda na rin ito kaya alam niyang hirap na rin itong magdala ng mabibigat. “Sige po magpapasama nalang ako kay Seli.” Anito.