“Dude, tama na. Lasing ka na.” natatawang pinigil ni Kyle ang kamay niya sa pagsasalin ng alak sa baso niya. He's already drunk, he knows that. Pero ano’ng magagawa niya? Naiinis siya na imbis na magsaya sila dahil birthday ni Claire ay may asungot na dikit ng dikit sa dalaga. Obviously ay type ng lalaking yon si Claire. Hindi naman niya magawang paalisin ang Alimango este Alejandro na yon dahil bisita ito ng Mommy niya. And it irritates him more. Bakit ba pinapunta iyon ng Mommy niya? Gusto ba nitong paglapitin ang dalawa? Gusto ba ng Mommy niya na ireto si Claire sa lalaking yon? ‘f**k!’ Gusto niyang magwala at hilahin si Claire paakyat sa kwarto niya o sa kwarto nito or anywhere basta malayo sa lalaking yon. But if he do that, what would be his reason to them? “Mukhang malaki pa