Nag-aalala si Claire dahil ilang araw na siyang delayed.
'Isang beses lang naman yon na ipinutok niya sa loob, hindi naman siguro ako mabubuntis agad.' Aniya sa isip.
Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos ng naganap sa kanila ni Kent. Minsan pang naulit ang pagtatalik nila pero sa labas na nito iyon ipinutok.
Worried siya na mabuntis nang wala sa plano.
Oo gusto niya si Kent pero hindi pa yata siya handa. Isa pa, alam niyang madidisappoint sa kanya si Doña Faustina pag nagkataon and that's something she doesn't want to happen.
Noong bata pa siya ay paulit ulit nitong sinasabi sa kanya na ituring niyang parang tunay na kapatid si Kent. Nung magdalaga na siya at may mga lalaking gustong manligaw sa kanya, hindi lingid sa kaalaman niya na kinausap nito si Kent na bantayan siya at palayuin ang mga lalaking tingin nito ay walang mabuting intensyon sa kanya. Hanggang sa halos wala nang naglalakas-loob na ligawan siya dahil kumalat na na 'strict ang kuya niya.'
Gusto rin sana ng Doña na iadopt na siya nito legally, pero tinanggihan niya sa dahilang ayaw niyang mawala sa pangalan niya ang apelyido ng mga yumaong magulang dahil un nalang ang natitirang pamana ng mga ito sa kanya.
Tapos ngayon kung mabubuntis siya at si Kent ang ama, ano nalang ang sasabihin ng Doña?
Na inabuso niya ang kabaitan nito at inakit pa niya ang anak nito?
Ilang araw na siyang nai-stress kaiisip. Lahat ng tao sa paligid nila ay magkapatid ang tingin sa kanila ni Kent.
Kinabukasan ay nakatanggap siya ng tawag sa kaibigang si Faye at niyayaya siyang mag mall hopping. Agad siyang pumayag para malibang at makalimutan ang problema. Tutal Sabado naman kaya ok lang na di muna siya pupunta sa opisina. Medyo marami ring trabaho sa opisina lately na nakadagdag pa sa isipin niya.
She needs to de-stress.
Kasalukuyan silang kumakain ni Faye nang tumawag si Betty at sinabing susunod daw ito. Hindi nagtagal at kasama na nila ito na muling nag ikot sa mall.
"Buti at nakasunod ka." Ani Faye sa kaibigan nila.
"Nag-away kasi kami ni Bryan." Tukoy nito sa boyfriend.
"Bakit nanaman?" tanong niya rito.
"Gusto niya kasing tumigil na akong gumamit ng pills para raw makabuo na kami. Ayaw ko namang magkaanak na kami na di pa kami kasal." Anito.
"Sinabi mo na ba sa kanya?" Tanong dito ni Faye.
"Hindi. Dapat alam niya na yon."
"Gaga. Dapat pinag uusapan niyo yan. Kaya ayaw kong magkaboyfriend eh problema lang yan." Ani Faye.
Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito habang nagmamasid.
Aside from mall strolling ay nagpa full body massage pa sila at nagbabad ng isang oras sa sauna kaya magaan na ang pakiramdam niya nang umuwi.
Wala pa rin si Kent pagbalik niya sa bahay.
Minsan ay di sila nagkikita ni Kent sa bahay dahil may mga araw na maaga itong umaalis at minsan naman ay late na umuuwi gaya nalang ng araw na iyon.
Hindi na nakakapagtaka dahil dati pa ay mahilig lumabas ito kasama ang mga kaibigan, minsan naman ay busy ito sa kompanya.
Maaga siyang natulog nang gabing iyon.
Kinabukasan, nagulat pa siya nang makitang may dugo sa panty niya but she suddenly felt relieved.
Mabuti nalang hindi siya nabuntis agad although kung nangyari man yon ay tatanggapin niya iyon dahil ginusto naman niya ang ginawa nila ni Kent.
Siguro next time ay mas mag iingat nalang sila.
Hindi pa nila napag-uusapan ni Kent ang sitwasyon nila. Kung ano ba sila?
Siguro dahil hindi talaga ang tipo nito ang opisyal na nakikipagrelasyon. She knows that he isn't a fan of it. Pareho ng kaibigan niyang si Faye na always single and ready to mingle.
Kahit siya ay ayaw niya ring buksan ang topic na yon pag nagsisiping sila. Masaya lang siya everytime they make out. She feels complete and full whenever he's inside of her.
Naging malibog na yata siya dahil parang lagi niyang namimiss ang katawan nito. Hindi naman siya cheap na babae but when she had a taste of it, she was wanting and craving for more... maybe because she did it with someone she likes. Someone she trusts and respects, someone who's very important to her...
Siguro ay ganun nalang muna sila.
If she is to define it...maybe they have mutual understanding with s*x benefits?
Nah. Natawa siya sa naisip.
Naalala niya ang sinabi ni Betty na gumagamit ito ng pills.
What if gumamit rin siya ng pills para sure na walang mabubuo?
That thought is tempting.
Kaya naman naisipan niyang magresearch ng konte about it and she bought few of it. Kinumbinsi niya ang sarili na ita-try niya lang.
Just after few days ay nagkayayaan nanaman sila ng friends niya na uminom. As usual, sa favorite bar nila naisipang pumunta.
They were having few drinks and more chat. Minsan nagsasayaw.
They were enjoying so much that some guys even tried to flirt with them.
Game namang nakikipagbiruan si Faye sa mga ito. As for her and Betty, pilit na ngiti lang ang ibinibigay nila rito.
Ganun ang eksenang nadatnan nina Kent, Kyle at Bart kaya naman nakakunot ang noo ng una habang papalapit ang mga ito sa kanila.
Agad naman itong napansin ng dalawang lalaking kausap ni Faye at agad nang nagpaalam sa kanila.
"Who are they?" Seryosong tanong ni Kent kay Claire.
"I don't know." Kibit-balikat na sagot ni Claire.
"Come on Claire, hinahayaan nyong umupo sa table niyo na di niyo naman kakilala?" Tila nagpipigil sa inis na tanong nito.
"Ay napaka istrikto naman ng kuya mo Claire." Ani Faye kay Claire.
"I was the one talking with them. Ni hindi nga interesado itong dalawa." Baling nito kay Kent na tinutukoy sila ni Betty.
"Kaya di nagkaka-boyfriend yan eh bantay-sarado." Bubulong-bulong pang dugtong nito.
"Come on man nandito tayo para mag enjoy!" Agaw atensyon ni Kyle kay Kent.
Di naman na ito umimik at saglit lang ay nakaupo na silang lahat.
Medyo marami na rin siyang nainom nang nagyaya nang umuwi si Betty.
Sinegundahan niya ito at ganun din ni Faye.
Nagpaiwan naman ang dalawang lalaki nang magpaalam si Kent na sasamahan na siya nito pauwi.
Sektretong kinilig naman siya nang inalalayan pa siya nitong maglakad palabas.