Ilang araw ang nakalipas ay napansin niya ang bahayang pag-iwas sa kanya ni Kent. And if she’s going to be honest to herself, hindi niya gusto iyon. Pakiramdam niya ay ang bigat ng dinadala niya sa tuwing hindi siya nito pinapansin o ni hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Nasasaktan siya sa biglaan nitong pagbabago ng pakikitungo sa kanya at alam niyang dahil yon sa huling pag-uusap nila. Kung tutuusin ay dapat maging masaya na siya na hindi na siya nito inaalala, pero kabaliktaran ang nararamdmaan niya. She misses him. “Maam Claire, may bisita po kayo.” Anang isang katulong nila isang gabi. Agad nitong pinapasok ang isang matangkad at gwapong lalaki. Sa tindig at kasuotan nito ay hindi maikakailang nagmula rin ito sa mayamang pamilya. Gustuhin man niyang ngitian ito ay di niya