“Pwede bang magtanong?” agad na tanong ni Claire sa dalawang katulong na nadatnan sa sala. “Ano po iyon?” “Ahm… alam niyo ba kung may boyfriend ako bago ako naaksidente or kahit last year?” she frankly asked the maids. Siguro naman ay maiintindihan siya ng mga ito dahil alam nitong nagkaamnesia siya. “Naku maam, pasensya na po. Bago lang po kami dito. Siguro po mas mabuti po kung si Seli o si Nana Lory nalang po ang tanungin nyo kasi po sila po ang matagal na dito.” Magalang na sabi ng isang katulong. “Ok, salamat. At kung pwede sana wag nyo nang banggitin sa iba ang itinanong ko sa inyo.” Nakangiting wika niya sa mga ito. “Sige po maam.” Pagkalipas ng ilang oras, namataan niya si Seli na nasa kusina kaya agad niya itong pinuntahan. “Seli..” “Po maam Claire, nagugutom po ba