Kakasikat lang ng araw nang umalis si Claire sa Mansiyon. Sinadya niyang mas maagang umalis para maiwasan niya si Kent kung sakaling umuwi ito sa Mansiyon. Mahal na mahal niya si Kent at natatakot siya na baka di na niya mapigilan ang sarili na layuan ang binata. Baka pag niyakap muli siya ni Kent ay malimutan niya na kailangan niya itong iwasan at madaig ng pagmamahal niya rito ang utos ni Doña Faustina. She loves him so much….She wants to be with him. But she doesn’t want to hurt Doña Faustina at ipagpilitan ang pagmamahal niya kay Kent. Siguro ay patuloy na lang niyang mamahalin ang binata ng tahimik. Hanggang tingin nalang siya kay Kent. Hanggang alaala nalang niya si Kent at ang masasayang pinagsamahan nila. Siguro balang araw ay mababawasan din ang sakit sa dibdib niya. Siguro