Literal na napanganga siya nang mabungaran sa sala ang nakangiting mukha ni Doña Faustina na naka open arms pa sa kanya senyales na hinihintay siya nitong yakapin niya. “Claire hija…..” nakangiting saad nito na naghihintay sa paglapit niya. Subalit nanaliti siyang napatda at di maigalaw ang mga paa upang humakbang palapit dito. Hindi rin siya agad nakapagsalita. Di naman nito napansin ang mga emosyon sa mata at mukha niya. Marahil ay sobrang saya lang nito na makita siya muli kaya ito na ang lumapit at yumakap sa kanya ng mahigpit. Hinalikan pa siya nito sa pisngi nang kumalas. “Na-miss kita hija. How are you? Lalo kang gumanda.” Anito at tiningnan pa ang kabuuan niya. “O-ok lang po ‘my. Bakit di mo po sinabing uuwi ka?” sa wakas ay nakabawi na siya mula sa pagkabigla. “I wanted to s