"Saan mo ito nakuha?" Tanong ko sa kanya. Parang hindi ko napansin na umalis siya.
"Wag mo ng itanong kumain ka na lang alam ko na gutom na kayo." Sabi niya na seryoso parin.
Nagpasalamat ako sa kanya. Kinuha ko ang papaya. Ginising ko si Amara. Tuwang tuwa ito ng makita ang hawak ko.
"Sabi ko na nga hindi mo kami matitiis e" Sabi nito.
"Timang hindi ako ang kumuha niyan." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na nagtatanong.
"Siya." Sabi ko sabay turo kay Azreil na tahimik na nakaupo sa tabi ko.
"Ah." Sabi na lang ni Amara. Saka ngumiti.
"Hey! Hindi ka kakain?" Tanong ko sa katabi ko. Bago pa siya sumagot binigay ko sa kanya yung kalahati ng kinakain ko.
"Kumain ka din. Wag mong sabihin na hindi ka nagugutom kahit ang mga Goddess nga kumakain din e." Sabi ko sa kanya. Napatanga siya sa sinabi ko.
"P..Pano mo nalaman?" Tanong niya habang hawak ang binigay ko na papaya.
"Nabasa ko lang sa lumang libro." Sabi ko sa kanya. Napatango siya. Maya maya sumandal na ako sa puno at pumikit. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
***AZREIL POV#***
Akala ko talaga kilala niya kaming mga Goddess.
Hindi pala nabasa lang pala niya sa Isang lumang libro. Ng maalala ko kung iilang beses na niya akong binibigyan ng pagakain. Napangiti ako tama siya kumakain din kaming mga Goddess.
Ang mga Great Goddess ang mga Hindi na kumakain. Dahil nasa kanila na ang infinity powers. Sila ang wala na talagang kamatayan.
Kami may kamatayan pa. Hindi nga lang kami Basta namamatay kailangan ng mas malakas na powers upang mapatay kami at Oras na mapatay kami tuluyan kaming maglalaho sa sangkatauhan. Hindi kagaya ng mga Immortal na madali man silang mamatay ngunit muli din silang nabubuhay.
Sa ibang katauhan nga lang. Ng maalala ko ang mission ko kung bakit nandito ako sa lupa.
Nilabas ko ang bato. Nagulat ako ng pumunta ito sa katabi ko at tumapat ito sa palad niya at bago pa ako makakilos kusa itong naglaho. Napatanga ako.
"Ikaw pala ang matagal ko ng hinahanap. Kaya pala lagi tayong pinagtatagpo." Bulong ko. Habang pinagmamasdan ko ang natutulog na binibini. Ng makita ko na matutumba ang ulo niya sinalo ko ito Saka sindal sa balikat ko. Minsan ko pang sinilip ang mukha niya bago ako pumikit. Ewan ko parang sarap sa pakiramdam na nasa tabi ko siya.
Paidlip na ako ng ma maramdaman akong malakas na aura sa paligid. Napadilat ako ako. Ginamit ko ang Vision ko. Nakita ko ang Isang grupo na paparating.
"Lorcan!" Sabi ko. Ginamit ko ang tagabulag ko.
Upang hindi nila kami mapansin.
"Nasan na yun? Dito ko lang nakita yun." Sabi ng Isa.
"May sight powers siya." Bulong ko. Ngunit kung mahina ang powers nito hindi niya kakayanin ang kakayahan ko." Sabi ko at pinagmasdan ko lang sila. Nakita ko na huminto sila sa tapat namin.
"Hindi pa makakalayo ang mga yon. Siguradong nasa malapit lang sila." Sabi ng Isa.
"Kailangan natin mahanap sila. Kundi lagot tayo sa ating Reyna." Sabi naman ng Isa. Napakunot ang noo ko. Maya maya umalis na sila.
"Anong kailangan nila sa amin." Bulong ko.
Napatingin ako sa katabi ko na natutulog.
Naalala ko siya nga pala ang hinihingi nila Nung nandun kami sa lugar nila.
"Anong kailangan nila sayo? Alam kaya nila na Ikaw Ang nagmamay Ari ng bato?" Bulong ko uli.
Huminga ako ng malalim. Ng may maalala ako.
"Anong Meron Sayo bakit lahat nagkakaintrest Sayo. Dahil ba akaw ang Isa sa nagmamay ari ng bato." Bulong ko. Pipikit na sana ako ng may makita akong puting usok na palapit sa amin.
Huminto ito sa tapat ko.
"Azreil!" Boses ni Ina.
"Ina!." Sabi ko.
"Makinig ka anak. Alam ko na Nakita mo na ang nagmamayari ng fire stone. Kailangan mong makita ang Diyosa ng liwanag. Kailangan niyong magtulong upang mahanap ang mga may Ari ng bato upang mahanap niyo Ang mga bato. Kailangan niyong mabuo ang mga bato sa lalapng madaling panahon." Sabi ni Ina.
"Pero Ina pano ko siya makikilala?" Tanong ko dito.
"Makikilala mo siya dahil kamukha siya ng may Ari ng fire stone Pagkat anak niya ito." Sabi ni Ina. Napatingin ako sa binibini na natutulog sa balikat ko.
"Saan ko siya makikita Ina?" Tanong ko uli.
"Wag kang magalala. Hinahanap niya na kayo sa lugar ng Dark Contenent kung saan ka namin dinala. Alam na niya na nandito kana sa lupa at Kasama mo ang may ari ng fire stone." Sabi ni Ina.
"Pagingatan mo ang may ari ng fire stone. Ingatan mo na hindi siya makuha ng mga Lorcan." Sabi nito.
"Ina ano po ba ang meron sa mayari ng fire stone?" Tanong ko kay Ina.
"Wag mo ng alamin Azreil. Ang mission mo ay pangalagaan ang binibini." Boses ni Ama.
"Opo ama." Sagot ko na lang.
"Wag kang magalala anak malalaman mo rin sa huli. Kung bakit siya mahalaga." Boses ni Ina. Napakunot ang noo ko. Naglaho na ang usok. Huminga ako ng malalim.
"Anong Meron sayo bakit halos lahat sila interesado sayo." Bulong ko. Nakita ko na lumalabas na ang kulay asul na liwanag.
Marahan ko siyang tinapik.
"Kailangan na nating umalis." Sabi ko sa kanya.
Ng dumilat siya. Nagulat siya ng makita niya ako. Natawa ako ng makita na Namula siya. Agad na lumayo ito sa akin. Tumayo na ako at ginising ko narin ang iba.
"Magumpisa na tayong maglakad." Sabi ko sa kanila. Naginat pa ng katawan ang apat sa kabilang sanga.
Wala kaming imikan habang naglalakad kami. Ng may nadaanan kami na puno na may bunga. Inutusan ko ito na maglaglag ng bunga.
"Whoo..Ang daming bunga na nalalag lag galing sa puno." Sabi ni Pekto. Kaya nagkatuwaan Muna sila sa pagdampot ng mga bunga. Nagulat ako ng abutan niya ako.
"Kumain karin malayo pa ang lalakarin natin." Sabi niya napatingin ako sa kanya. Na mula siya ng magtama ang paningin namin.
"Ayaw mo wag mo." Sabi niya. Agad kong inagapan ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay niya na hawak ko.
"Wala naman akong sinabi na ayaw ko ah." Sabi ko sa kanya saka kinuha ko ang prutas na binibigay niya.Nakita ko na namumula siya. Napangiti ako.
"Bakit ka ngumingiti?" Mataray na tanong niya.