Juniper’s POV Matagal siyang nakatingala sa may cabinet. Sa puntong ito ay alam kong hinahanap na niya ang mantika. Sa dami ng mga bote doon ay sigurado akong mahihirapan siya diyan. “Where is the f*cking oil?” dinig kong irita niyang sabi kaya matawa-tawa ako. Napatingin na tuloy siya sa umuusok na ngayon na kawali, “Shibal! Nasusunog na ba agad ang pan?” Ano ba ‘yung shibal na sinasabi niya palagi? Naiintriga na ako sa word na ‘yun. Hindi na niya nahanap ang oil kaya nakita kong hinanda na niya ang itlog. Sa una ay tinitigan pa niya ‘yun. Tila pati ang pagbubukas ng itlog ay hindi rin niya alam kung paano. Mayamaya ay nag-ihit ako sa kakatawa nang makita kong nilagay na lang niya ng buo sa pan ang itlog. Seryoso ba ito? “Tama ba ang ginawa ko? Kapag uminit ba ang shell ng itlog ay