Juniper’s POV Kanina pa ako nakamasid sa labas ng coffee shop na pinasukan ng babaeng kausap ni Dax kagabi. Ito ang nilakad ko ngayong araw. Wala lang, gusto ko siyang sundan ngayong araw. Gusto kong makahanap ng baho sa kaniya para masiraan kay Dax. Nang sa ganoon ay mawala na siya sa landas ni Dax. Nang mawala na rin ng epal sa aming dalawa ni Dax. Narito ako sa loob ng kotse ko. Kita ko naman siya mula rito dahil naso-zoom ko ang camera ko kaya kita ko siya mula rito. Kanina pa siya panay higop sa kape niya. Tila may tao siyang hinintay doon. Bumalik na ang driver ko sa loob ng kotse ko dala-dala ang kape ko. “Ma’am, oh, heto na po ang coffee mo,” sabi ni Hernan at saka inabot sa akin ang kape na pina-order ko sa kaniya. Umalis kasi ako sa mansiyon nang hindi nag-aalmusal. Nagmamad