Chapter 8 : Itinakdang tagapagdilig

1584 Words
Juniper’s POV Ala sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Maaga akong naligo at nagpaganda dahil alas siyete lang ng umaga ay patungo na rito si Dax baby ko. Kagabi, hindi agad ako nakatulog dahil sa kaniya. Bigla kasi siyang nag-text. Nagulat nga ako. Hindi ko inaasahan na hating gabi pa siya magte-text message sa akin. May ni-request pa ang bundol na ‘yun sa akin na kung maaari ay huwag daw kaming gagawi ng casino niya para raw maiwasan ang kahihiyan sa sarili niya. Pumayag naman ako dahil wala din naman sa plano ko ang doon ko siya paglaruan. Today ang unang araw nang pagiging toy boy niya sa akin. Papasok siya ng seven ng umaga at uuwi ito ng eight ng gabi. Sayang nga at hindi ko pa nailagay sa contract na twenty four hours siyang magiging toy boy ko sa loob ng isang buwan. Kaya lang mainam na ‘yun para nakakauwi pa rin siya sa bahay nila. Wala na si Mandie paglabas ko ng silid ko. Sa wakas ay pumasok na siya sa work ko. At maaaring sa mga susunod na araw ay baka palipatin ko na siya ng ibang bahay. Marami naman akong ibang bahay, ayoko lang na maging istorbo siya sa amin ni Dax. Tumuloy ako sa living area para magpatuntog ng mga favorite song ni Taylor Swift. Mas lalo kasing nakakaganda ng mood kapag may masayang music kang napapakinggan, lalo na sa umaga. “Coffee please, Manang Agida,” utos ko sa kasambahay ko na nakita kong papalapit sa akin. “Ngayon din, Madam Juniper,” sagot nito at saka inabot sa akin ang newspaper na palagi niyang binibigay sa akin tuwing umaga. Naupo ako sa sofa upang magbasa ng mga ganap sa Pilipinas. Wala na bang iba? Bakit puro mga pagtaas na lang ng presyo ng mga bilihin sa market ang nababalita? Well, wala namang problema sa akin kung magtaas pa sila nang magtaas. Ang sa akin lang, kawawa naman ‘yung mga taong mahihirap. Hay, naku. Sa panahon ngayon, ligtas ang mga mayayaman, kawawa naman ang mga mahihirap. Dumating na agad si Manang Lotlot. Dala-dala nito ang kape na hiningi ko kay Manang Agida na mayordoma dito sa bahay ko. May tatlong alipores sa bahay na ito si Manang Agida: si Manang Lolot na magugulatin, si Manang Pasing na masungit at si Manang Charity na…na…ano ba ‘yan hindi ko kayang sabihin, pero sige na nga, patawarin sana ako ni Lord kung sasabihin ko ito…si Manang Charity kasi ay mahina ang ulo o sabihin na lang natin na bobita. Oo nga pala. Dapat ko na silang sabihan tungkol kay Dax. Binitawan ko tuloy ang newspaper at saka ko dinampot ang kape na nakalagay sa lamesa. Tumayo ako at saka ako pumunta sa kusina. Pagdating ko roon ay saktong naroon silang apat. Nadatnan ko na sinasabon na naman ni Manang Agida si Manang Charity na sigurado akong may ginawa na namang kapalpakan. “Kay tagal-tagal ko nang sinasabi na huwag kang magtatapon ng mantika sa lababo at magbabara ‘yan. Ayan tuloy, magtatawag na naman tayo nang mag-aayos niyan. Hay naku, Charity palagi mo na lang pinapainit ang ulo ko. Umagang-umaga eh, palagi mong pinatataas ang dugo ko!” sigaw ni Manang Agida sa kaniya habang nakapamaywang. “Sorry, Ate. Nawala po kasi sa loob ko,” sagot naman ni Manang Charity. Madalas man itong pagalitan ni Manang Agida ay mahal na mahal naman niya ito. Parang kapatid na ang turing niya kay Manang Charity. Hindi naman niya ito matanggal dito dahil naaawa siya. Alam niya na kapag umalis na ito rito ay lalo walang tatanggap sa kaniya dahil sa isang araw, hindi puwedeng hindi ito gagawa ng kapalpakan. Sanay na sanay na kami sa kaniya. Saka, love na love ko ang apat na ito. Silang apat ang parang tumatayong magulang ko na ngayon. “Tama na ho ‘yan. Mag-ready na kayo at may lalaking padating dito,” sabi ko kaya nahinto na sila sa pagbabangayan. “Lalaki? Boyfriend niyo ho ba ito, Madam Juniper?” tanong naman ni Manang Pasing na agad namang akong tinaasan ng kilay. Yes, sa lahat sa kanila ay siya lang ang nagagawang tarayan ako. Ewan ko ba, hindi ako nagagalit kapag ginaganoon niya ako. Natutuwa na lang ako sa pagiging maldita niya. “Nope, not now, pero darating din ho tayo doon,” prangka kong sagot. Sila ‘yung mga taong hindi ko pinagtataguan ng sikreto. Kung ano mga gusto kong mangyari ay sinasabi ko sa kanila. Matagal na silang nasa akin kaya kuha ko na ang mga loob nila. “Oh, basta kapag po guwapo at mabait, approve sa akin,” sabi ni Manang Lotlot habang naka-thumbs up sa akin. “Same there,” sabat naman ni Manang Charity na umandar naman ang pagiging tanga. “Same here ‘yun, hindi same there!” bulyaw sa kaniya ni Manang Pasing kaya pinipilit kong hindi matawa. Kapag silang apat talaga ang kasama ko, hindi ako nabo-boring. “Ah, same here pala. Sorry naman.” “Tonta! Tumawag ka na nga lang nang mag-aayos ng lababo bago pa kita mapalo ng pinggan sa ulo nang luminaw ‘yang pag-iisip mo!” sabi ni Manang Agida kay Manang Charity kaya matawa-tawa na naman ako. “Oh, basta, huwag niyo na lang kaming pakelaman ni Dax kapag narito na siya,” paalala ko sa kanila. “Kasi siya na ang magiging toy boy ko o sabihin na lang natin na utusan o paglalaruan ko,” dagdag ko pang sabi. “Teka nga po. Paano niyo namang naging Toy boy ‘yung lalaking ‘yun? Susuwelduhan niyo rin po ba para paglaruan?” tanong pa ni Manang Agida. “Hindi ho, natalo ko kasi siya sa pustahan. Ayun, sa loob ng isang buwan ay need niyang maging sunud-sunuran sa akin. Sa loob ng isang buwan ay paglalaruan ko siya.” “Good luck sa kaniya. Minsan ay baliw ka pa naman, Madam Juniper,” sabi ni Manang Pasing na tatawa-tawa sa akin. “Good luck talaga sa kaniya. Oh, siya, maiwan ko na kayo at kailangan ko na ring maghanda.” Bumalik ako sa living area habang iniinom ang kape ko. Sumilip ako sa bintana. Tinignan ko kung parating na ba siya. Pakiramdam ko kasi ay mukhang mali-late siya sa unang araw nang pagiging toy boy niya sa akin. Mukhang sa unang araw ay hindi agad maganda ang perfomance niya. Makakatikim siya sa akin mamaya. Halos ten minutes na siyang… Biglang may nag-doorbell sa labas kaya bigla kong binaba sa may lamesa ang tasa ng kape at saka ako nagtatakbo papunta sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mata ko. Sa wakas, narito na nga siya. Ang guwapo-guwapo na niya sana pero bakit naman ganito ang suot niya? “A-ano ‘yan? Bakit ganiyan ang suot mo?” Hindi siya sumagot at bigla na lang niya akong tinabig at saka ito pumasok sa loob. “Ang init ng sikat ng araw sa labas kaya dito na tayo magtanungan sa loob,” sagot niya sa akin habang patingin-tingin sa loob ng bahay ko. “Aba, mukhang memorize mo ang nasa kontrata. Tama ‘yan, magtagalog ka. Bawal kang mag-english kapag toy boy kita,” sabi ko sa kaniya habang titig na titig ako sa katawan niya. Impyernes naman sa lalaking ito, kahit gusgusin ang suot niya ay mukha pa rin siyang guwapo sa paningin ko. Ang gara kasi ng suot niya. Puting t-shirt na maraming butas-butas at pantalon na puro tastas din ang bandang tuhod. Kung titignan ay para siyan tambay sa kanto, pero siya ‘yung masasabi kong tambay sa kanto na mukhang expensive dahil sa itsura ng buhok, mukha at sa kaniyang tindig. Kahit sino ata ay kayang-kayang paibigan ng lalaking ito na sobrang sarap. Ngayong pa lang ay nanggigil na ako sa kaniya. Tumuloy siya sa living area. Naupo ito sa sofa at saka dumikuwatro roon. Nagdamit pangmahirap lang siya pero ang astahang pangbilyonaryo niya ay naroon pa rin: ang paglalakad, pag-upo at ang mga ekspresyon ng mukha niya ang sosyal-sosyal pa rin. “Kaya ganito ang suot ko ay para bumagay naman ang trabahong papasukin ko sa ‘yo. Pakiusap, huwag mo naman akong pahirapan at alam mo na, hindi naman ako sanay na ginaganito. Sinuwerte ka lang talaga at nanalo ka sa game natin. Pero after nito, hindi ako papayag na hindi ulit tayo maglaro. Gusto kong bumawi sa iyo dahil tiyak na grabeng paglalaro ang gagawin mo sa akin. Labag man sa loob ko itong pinasok ko ay wala naman na akong magagawa dahil nangyari na, natalo na ako. Ako ‘yung bad boy na tao na kayang manakit ng kahit sino, kahit man babae, pero ako naman din ‘yung taong tumutupad sa usapan. Huwag kang mag-alala dahil tutuparin ko ang lahat ng nasa contract.” Napangiti ako. Kinikilig talaga ako habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ako makapaniwalang narito na siya sa bahay ko at mag-uumpisa na bilang aking toy boy. Don’t worry, Dax, hindi kita bibiglain. Sa ngayon ay chill muna tayo pero siyempre, hindi ako papayag nang hindi kita matitikman. Humanda ‘yang sandata mo sa akin sa mga susunod na raw. Pasensya ka na, tuyot na tuyot na kasi ako. Kailangan ko na ng dilig at nang mapagtanto kong ikaw ang itinakdang magiging tagapagdilig ko ay hindi na kita tinigilan hanggang hindi ako napapalapit sa iyo. Ngayong narito ka na ay tuloy na tuloy na ang maitim kong balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD