Chapter 6 : Alas

1289 Words
Juniper’s POV Bago magsimula ang laban namin ay may mga pumasok na staff ng casino dito sa private room namin. They brought wine. A staff put two glasses of wine on the table. Pagkatapos ay sinalinan nila ito kapwa ng wine at saka inabot sa aming dalawa ni Vernon. Ano ‘yun? Hindi ba manlang nila ito lalagyan ng yelo? Sorry, ha! Hindi kasi talaga ako fan ng mga alak o kahit wine-wine pa ‘yan. Napangisi ako nang itaas na ni Dax ang kaniyang wine glass habang nakangiti sa akin. Wala na, laglag na naman ang panty ko nito sa kaniya. Ngiti lang ‘yun pero, puta namasa agad ang hiyas ko. Kaya naman tinaas ko na rin ang aking wine glass at saka kami sabay na uminom ng wine. Halos mapangiwi ako sa lasa nito. Nasabay pa kasi na hindi manlang malamig. Walang yelo. Hindi ko maintindihan ang lasa. Parang lasang bagoong na ewan. Nang tignan ko siya ay halos naubos niya agad ang kaniya. Habang ako naman ay iisang lagok lang ay umay na. “If you don’t like the taste of wine, huwag mo nang inumin. Ayos lang naman. Nakasanayan ko na kasi na bago ako makipaglaro sa kahit na sino ay umiinom ako ng wine,” sabi niya kaya nahiya naman ako. Kahit ang pakla-pakla ng lasa niyon ay inubos ko tuloy. Pinilit kong ubusin. Hindi ako ngumiwi para hindi niya mahalata na napilitan lang ako. “Wala naman akong sinasabi na hindi masarap ang wine. Sanay na sanay na rin kasi ako sa iba’t ibang lasa ng wine. Actually, mahilig ako sa mga wine kung hindi mo naitatanong,” pagsisinungaling ko pa. Siyempre, kailangan kong makipag-sabayan para naman hindi siya ma-turn-off sa akin. Ang mga mayayaman pa naman ay fun na fun ng wine. Simula ngayon, pagsasanayan ko na ngang tikman ang iba’t ibang lasa ng wine para masanay ako. Tinignan niya ang mga staff niya. Isang tango niya lang ay alam na agad nila ang gagawin. Kinuha na nila ang mga wine glass at saka na sila umalis sa room na kinaroroonan namin. “By the way, what’s your name again?” tanong niya. Sa tuwing magsasalita siya, palagi na lang may kilig, kaba at saya. Napalakas ng epekto nitong si Dax Walton sa akin. Kasi naman, maging ang boses nito ay sobrang guwapo rin pakinggan. “Juniper Ortega,” sagot ko habang nagpapa-cute pa. Sa tuwing magpapa-cute naman ako ay nakikita kong kumukunot ang noo niya. Dapat bang itigil ko na ‘yun? Baka kasi sa ganoong eksena siya natu-turn-off sa akin. Sabagay, kahit naman ‘di ako magpa-cute ay cute naman na talaga ako. “So, Juniper ikaw ang papiliin ko…anong laro ang gusto mong laruin natin. Sa tingin ko kasi ay parang wala kang alam sa mga sugal dito sa casino. Ngayon lang kasi kita nakitang pumasok dito?” OMG! Maganda itong tinanong niya. Malaking pagkakamali ni Dax ang ako ang hinayaan niyang pumili nang lalaruin namin. Siguro naman ay kahit anong laro ay papatulan niya? Huminga ako ng malalim bago sumagot. “Lucky nine na lang? Mas madali at mas mabilis laruin ‘yun. Isang game lang naman ay tapos na agad tayo,” sagot ko sa kaniya habang nakangisi. Patay na siya ngayon! Galamay na galamay ko pa naman ang larong lucky nine. Madalas ako sa mga lamay ng mga kaklase ko noong elementary pa ako. Gabi-gabi nanalo ako noon. Pero depende pa rin ito sa bigay ng baraha. Pasuwertihan na lang talaga. “Okay, sige, kung ‘yan ang gusto mo ay mag-umpisa na agad tayo.” May button siyang pinindot sa may table. Mayamaya ay bumukas ang pinto at saka pumasok ang isang staff ulit ng casino na iba naman ang suot na uniform. Dala-dala nito ang isang kulay violet na baraha. Sa gitna naming dalawa ay binalasa na nito ang baraha. “Tanggalin mo ang mga king, queen at jack,” utos ni Vernon sa lalaki. Nakita ko na napakunot ang noo ng staff niya. “Gawin mo lang ang sinabi ko,” dagdag pa niya. “Okay po,” sagot sa kaniya ng staff niya na tila natakot pa. Napapakunot ang noo ko sa nangyayari. Ganito rin ba ang laro ng lucky nine sa mga casino? Hindi ko inaasahang pati dito ay ganoon din ang sikat na laro. Nakakatuwa. Kahit pa paano pala ay uubra akong mag-casino dahil may isang laro akong alam na laruin dito. Mayamaya ay tag dalawang card na ang binigay ng lalaki sa aming dalawa ni Dax. Heto na. Narito na tayo sa exciting na part. Pagkahawak ko sa baraha ko ay panay ang dasal ko na sana ay siyam ang maging bilang nito. Siyempre, gaya ng ginagawa ko dati, pinipintahan ko muna. Ang unang baraha muna ang sinilip ko. Pagtingin ko rito ay ten na diamond ang nakita ko. Napatingin ako sa lamesa nang biglang mag-good na si Dax. Tinaob niya roon ang dalawang card niya kaya for sure ay nasa eight or seven na ang bilang niya. Ang galing. Kung ako man ‘yun ay good na rin talaga ako. Isa rin ‘yun sa teknik ko noon kaya palagi akong nanalo. Sa larong ito, patapangan na lang. Minsan kasi kahit eight na ang bilang ng card ko ay nilalaban ko pa rin. Pero madalang ko namang gawin ‘yun. Nang ang isang card naman ang pinipintahan ko ay lalo nang na-tense ang kamay ko. Nanginginig ako. Mayamaya ay nanlaki ang mata ko ng eight naman na diamond ang lumabas. Syet! Kung good na si Dax, maaring eight na rin ang bilang ng kaniya. Pero kung makakabunot ako ng alas na baraha ay tiyak na panalong-panalo na ako. “What now? Okay ka na ba? Buta ba ang bilang mo? Puwede namang mag-isang card ka pa. ‘di ba’t ganito laruin ‘yun?” tanong niya na tila nang-aasar pa. Sa part na ito ay tila may naghahabulang kabayo sa loob ng dibdib ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. “Fine, one card please,” sabi ko sa lalaki. Bahala na. Bahala na talaga. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko ay dapat nag-good na rin ako. Tinapangan ko na lang ang loob ko para sa pangarap kong maging toy boy ang bilyonaryong ito. Kinuha ko na ang isang card na binigay sa akin ng staff niya. Pagkuha ko nito ay nilagay ko ito sa gitna ng dalawang card ko para mapintahan ko ulit. Sa barahang ito nakasasalay ang magiging umpisa namin ni Vernon kaya sana…sana ay alas ang lumabas. “Huwag mo nang pintahan. Mas maganda kung ititiyaha mo na agad. Anyway, heto nga pala ang bilang ng akin” sabi niya at saka pinakita ang card niya. Namilog ang mata ko nang mabilang kong seven lang pala ang bilang ng card niya. Kung nilaban ko na pala kanina ay panalo na agad ako. Napamura tuloy ako sa isip ko. Sayang! Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Napakatanga ko sa part na ‘yun. Gusto ko tuloy magmura, pinigilan ko lang at nahihiya rin kasi ako kay Dax. “S-sige, ititihaya ko na lang para mas maganda. Nang sa ganoon ay matigil na ang pagkabog ng dibdib ko,” sagot ko sa kaniya. Bumilang ako ng tatlo sa isip ko. Isa…dalawa…tatlo! Kapagdaka ay itinihaya ko na sa lamesa ang tatlong baraha ko. Nang gawin ko ‘yung ay hindi muna ako tumingin sa lamesa. Sa mga mata muna ng staff at ni Dax ako tumingin. Kapwa naman namimilog ang mga mata nila. Pakiramdam ko ay buta na nga ang nangyari sa akin. Zero na nga ata ang naging ending ng bilang ng card. Wala na. Talo na. Sayang na ang mga pinusta ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD