Juniper’s POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin sa card. Ayokong tignan dahil pakiramdam ko ay talo na ako.
Tinignan ko ulit si Dax. Napailing siya sa akin pero bigla na niya akong nginitan. Bakit kaya? Ano ba ang resulta ng card?
“Nice. Congrats, Juniper!” sabi na ni Dax kaya napatingin na ako sa card ko. Biglang lumuwag ang ngiti ko nang makita kong nine ang bilang ng card ko. Alas nga ang nabunot ko. Alas ang huling card na lumabas kaya…kaya…syet!
Napatayo tuloy ako at pagkatapos ay nagtatalon na ako habang sumisigaw.
“Yeeeesssss! Tagumpay! Magiging Toy bo—”
“Juniper!” bulyaw agad ni Dax sa akin kaya natigil ako sa pagsigaw. Bigla rin siyang lumapit sa akin at saka tinakpan ng kamay ang bibig ko. Nanlalaki ang mata nito habang nakakunot ang noo sa akin.
“You can go out now,” sabi niya sa staff niya kaya dali-dali naman itong lumabas sa room na kinaroroonan namin. Hindi niya tinatanggal sa bibig ko ang kamay niya kaya nilanghap kong mabuti ang mabangong kamay ni Dax. Ang bango-bango ng kamay niya talaga. Ewan ko kung naramdaman niya na dinidilaan ko ‘yun habang nakatakip sa bibig ko.
Nang tuluyang makalabas ang staff niya ay doon na ulit siya nagsalita.
“Eww! Are you licking my hand?” tanong niya sabay tanggal ng kamay sa bibig ko. “Look, may laway oh! Kadiri!” todo kuha siya ng tissue para magpunas ng naging laway ko sa palad niya.
“Ang bango kasi,” sabi ko naman kaya lalo siyang napangiwi.
“Juniper, ito ang tatandaan mo, tayong dalawa lang ang makakaalam na magiging toy boy mo ako. Hindi mo dapat ipagsabi ito sa iba. Saka, kapag naging toy boy muna ako, payagan mo sana akong mag-disguise para hindi naman nakakahiya sa pagkatao ko ang gagawin mong kalokohan sa akin,” sabi niya kaya tango lang ako nang tango. Lahat ng request niya ay pagbibigyan ko. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na natupad ang gusto kong mangyari. Wala talagang imposible sa mundong ito. Akalain mo ‘yun, magiging toy boy ko na nga ang isang kilalang guwapong bilyonaryo sa pilipinas. Hindi rin ako makapaniwala na papayag si Dax sa kalokohan ko. Malaking palaisipan din sa akin na kumasa siya sa akin. Siguro…siguro ay akala niya ay palagi siyang mananalo. Sorry siya, sa madaling laro lang pala siya matatalo kaya tiyak na madadala na siyang maglaro ng lucky nine ngayon.
“You have five more days to be free. Next month, you will start being my toy boy na, Dax Walton,” sabi ko sa kaniya kaya tumango na lang ito habang nakangiwi.
“Hindi ko alam kung bakit napapayag mo ako. Ngayon pa lang ay parang natatakot na ako sa mga ipapagawa mo sa akin.”
Ngumisi na lang ako. “Hindi naman. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo. Mag-e-enjoy tayong dalawa sa mga gabing tayong dalawa lang ang magkasama sa kama ko. Be ready, tiyak na maabot nating dalawa ang langit sa ipapagawa ko sa ‘yo,” sabi ko pa kaya lalo na siyang napangiwi.
“Syet! Kinikilabutan ako. Maawa ka naman.”
Aalis na dapat siya pero pinigilan ko. “Dax, puwede bang pa-hug muna bago tayo maghiwalay?” tanong ko sa kaniya habang nakangiti.
“Ayoko. Hindi mo pa naman ako toy boy kaya puwede pa akong tumanggi,” sabi niya at saka ito nagdamaling lumabas sa room na kinaroroonan namin. Natawa na lang tuloy ako. Ang cute niya kasi pa rin kahit nakangiwi ang mukha.
Matapos ang laro namin ay masaya akong bumalik sa hotel room namin ni Mandie dahil may natitira pa kaming ilang oras doon. Nagpa-order ako ng maraming pagkain kay Mandie dahil sa pagkapanalo ko. Celebration na rin ito sa pagiging winner ko. Tanging si Mandie lang ang nakakaalam na magiging Toy Boy ko na si Dax Walton. Kahit ang gagang pinsan ko ay hindi rin makapaniwala sa naging resulta ng laro namin.
Sa limang araw na hihintayin ko ay naghanda naman ako. Ngayon pa lang ay marami nang tumatakbo sa isip ko na mga ipapagawa ko sa kaniya. Ngayon pa lang din ay hinahanda ko na ang perlas ko. Next month ay tiyak kasi na gamit na gamit ito ng armas ni Dax. Madalas na akong madidiligan, kaya isang buwan akong magiging fresh nito. Hindi ako papayag nang walang mangyayari sa aming dalawa sa loob ng isang buwan nang pagiging Toy Boy niya. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na nasa tabi ko na ang biyaya. Humanda siya sa akin.
Pag-uwi namin ni Mandie ay nagpalinis ako ng buong bahay. Pagkatapos ay nagpatahi ako ng isang uniform na malaki ang size para sa isang bagong crew sa Dreame Korean Restaurant ko. Kung sino ito, abangan!
Kinabukasan, pumunta naman ako sa mall para mag-ayos na rin ng sarili. Nagpa-curly ako ng buhok, nagpakulay na rin. Sabi kasi ni Mandie ay puro curly hair ang nagiging jowa ni Dax, kaya dapat maging curly na ako. Ang goal ko kasi sa isang buwan na magiging toy boy ko siya ay ang makuha ang puso niya. Dapat bago matapos ang isang buwan ay ma-inlove na siya sa akin. Kung hindi, mapipilitan akong magpabuntis para lang matali na siya sa akin. Natatawa tuloy ako sa mga naiisip ko. Pagkatapos ay nagpa-shave na rin ako ng armpit at ng buhok na rin sa perlas ko. Namili rin ako ng mga skin care at mga beauty product na magpapabango palagi sa akin. Kapag nasa bahay ko na kasi si Dax ay dapat mabango na ako palagi. Hindi na puwede ‘yung mag-skip ako ng ligo sa isang araw. Dapat palagi niya akong maaamoy na mabango. Nakaka-inlove ang isang babae kapag palaging naaamoy ng mga lalaki na mabango ang…ano…ang…perlas.
Nagpasama rin ako kay Mandie na mamili ng maraming klase ng wine. Bigla tuloy nagkaroon ng bar area sa bahay. Sa isang iglap ay dumami ang stock ng alak ko na iba’t iba pa ang klase. Halos sa bar area lang ay umabot na ng ilang milyon ang nagastos ko. Ang mamahal kasi ng ibang alak na nabili ko.
Sabi ko nga, gusto kong malaman ni Dax, na kahit pa paano ay umiinom ako ng wine. Pero kasi ang gagang si Mandie ay kumuha pa ng ilang alak na halos ginto ang presyo. Sabi niya ay pangyabang ko raw ito kay Dax. Nakatitiyak daw kasi siya na sa mga mamahaling alak mahilig itong si Dax. Saka, magagamit ko rin naman iyon kapag gusto kong paglaruan ng husto si Dax. Lalasingin ko siya at pagkatapos ay alam na. Kasadong-kasado na talaga ang lahat. Siya na lang ang hinihintay ko. Hindi na ako makapaghintay. Bukas ay toy boy ko na siya.